Nobyembre 11, 2013
Lunes
Ngayon ang simula ng pagtalakay namin sa ikatlong aralin o akdang pinamagatang "Mabangis na lungsod" mula sa panulat ni Efren Abueg. Ito ay iniulat ng pangkat 3 at muli naman itong tinalakay ni Gng.Mixto bilang pagpapalawig sa aralin at binigyang linaw din ang ilan sa bahagi ng akda na hindi masyadong naipaliwanag ng nasabing pangkat. Dahil na rin sa mahaba-habang pag-uulat ng Pangkat 3 ay kinapos na kami sa oras para sa iba pang gawain. Kaya naman , gaya ng dati ipinagpabukas na lamang namin ang mga gawaing naka-atang sana para sa araw na ito.
Nobyembre 12, 2013
Martes
Inumpisahan namin ang aming klase sa asignaturang Filipino sa isanag gawain kung saan aming tutukuyin kung anong partikular na lugar sa Manila ang nakapaskil na mga larawan sa pisara. Umalis naman sandali si Gng.Mixto dahil dumating ang kanilang tagapayo sa asignaturang Filipino. Nanng siya ay makabalik ay itinama namin ang naiwang gawain at amin na itong tinalakay. Kaakibat nto ay inilarawan din ni Gng.Mixto ang dating kalagayan ng Quiapo upang mai-ugnay namin ito sa naranasan ng pangunahing tauhan sa loob ng akdang Mabangis na lungsod. Tinuran din ni Gng.Mixto ang pinagka-iba ng kalagayaan ng lugar nito noon at ngayon.
Nobyembre 13, 2013
Miyerkules
Muli kaming nagkaroon ng ng isang maikling gawain kung saan tinukoy nman namin ang kahulugan ng mga malalalim na salita o pahayag na mula pa rin sa akdang Mabangis na lungsod at dahil sa nakakalito ang mga naibigay na pahayag ay isa sa apat na bilang lamang ang aking nakuha :) Sa buong oras na iyon ay ang tinalakay lamang namin ay tungkol sa mga salitang may nakatagong kahulugan na mula pa rin sa akdaupang mabigyang linaw at masagpotna rin ang aming mga katanungan.
Nobyembre 14, 2013
Huwebes
Ngayon ay idinaos namin ang aming ika-5 pangkatang gawainkung saan ang aming pangkat ay naka-pokus sasa pagsusuri sa akda batay sa magiging implikasyon nito sa kamalayang panlipunan. Gayundin ang ibang panh\g pangkat ngunit iba-ibang kamalayan ang aming ikino-konsidera at tinatalakay. Dahil sa napahaba ang pag-uulat ng bawat pangkat ay sandali na lamang nabigyang linaw ni Gng.Mixto ang ilansa mga punto ng bawat pangkat at siya ay nag-paalam na. Ngunit may pahabol pa siyang gawain sa bawat isa kung saan , aming aalamin ang teoryang maaari o nakapa-loob sa akdang tinatalakay.
Nobyembre 15, 2013
Biyernes
Tinalakay namin ang teoryang nakapaloob sa akdang Mabangis na lungsod na iniatas sa amin bilang takdang aralin kahapon. Dito ay natukoy namin ang Teoryang Naturalismo ang nakapa-loob sa nasabing akda. Ibinigay ni Gng.Mixto ang deskripsyon ng teoryang ito at ang ilang bahagi ng akda na siyanag sumusuporta sa teoryang ito. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain kung saan ang aming pangkat ay naatasang magsadula ng interbyu gamit ang mga ibinigay na katanungan ni Gng.Mixto. Nagkaroon din kami ng takdang aralin kung saan inatasan kaming magkaroon ng kopya ng Mga Karapatang Pambata na inilunsad ng UNICEF.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento