Sabado
"Totoo na toh!"
Ngayon araw na ito ay mula nga akong nagtinda sa dating pwesto ng aking tiyahin sa Pag-asa at sa pagkakataong ito ay ako lamang mag-isa. Oo medyo nakakalungkot kasi wala akong ibang kadaldalan bukod sa katabing kong isang tindera rin na kadalasan ay abala din sa kanyang mga kostumer tulad ko. Pero ang maganda naman dito ay naipaubos ko ang aking mga paninda. Oh diba bawi mula sa kahapong kalungkutan. Thaha xD
Nang sumapit na nga ang alas-diyes ng umaga ay umuwi na ako sa bahay at pumunta na sa karinderya ng aking tiyahin kalaunan. Kung ikokompara sa mga nakaraang araw, ngayon ay wala akong masyadong ginawa kaya naman pasensiya na sa aking blog :) Pagdating ko kasi sa karinderya at tumulong lamang ako sa kakaunti nilang gawain, nagkwentuhan habang nagpapahinga at kumain na buong magdamag.Kina-hapunan ay umuwi na akong muli at nagpahinga na Oh diba ang saya xD
Ito na muna para sa araw na ito. Paalam :)
Disyembre 22, 2013
Linggo
"Muling pagkikita"
Gaya ng dati ay nagtinda nanaman ako at ang kasama ko naman ngayon ay ang aking pinakamamahal na pinsang-kakambal na si Bernadeth "Buang" Arlanza. Thaha pasensiya na po sa salita :) Bukod sa pagtitinda ay nag-kwentuhan lang naman kami ng walang patid. Sabik na sabik kasi sa isa't-isa. Gaya ng dati halakhakan lang kaming dalawa at kung anu-ano na lamang ang pinag-uusapan. Grabe, di nanaman maubos-ubos ang aming mga kwento.
At gaya pa rin nga ng dati ay dumirets na kami sa karinderya ng aming tiyahin. Tumulong sa mga gawain at nagsilbi ng pagkain sa mga kostumer. Pero di inaasahan ay ang muli naming pagkikita ng dati kong crush na si Wency. Ayy landi ! Hayy .. Walang kakupas-kupas ang kanyang kagwapuhan. Siyang siya pa rin ang Wency na dati kong crush. Ngunit ngayon ay may mga kasama siyang mga kaibigan. At infairness naman sa kanila, puro sila gwapo. Ano ? NO UGLY ALLOWED lang ang peg ? Thaha xD Ang ha-husky pa ng mga boses, lalaking-lalaki ang mga hombres ! Ayy tama na ang sobrang papuri.
Ayon na nga, matapos nilang kumain ay sandali lang silang tumigil dito at tsaka umalis na rin. Di rin nagtagal ay umuwi na rin kami ni Kambal tutal magga-gabi na rin naman. Pagkauwi ay kumain lamang ulit kami sandali at natulog na. Pagod na pagod lang teh ? Thaha paalam :)
Disyembre 23, 2013
Lunes
"Hirap at ginhawa"
Dalawang araw nalang at PASKO NA ! Kaya eto, abala nanaman kami sa paggawa ng sangkaterbang mga paninda at walang katapusang order para sa disperas ng pasko. Palibhasa sikat ang "Boy & Miriam Kakanin". Wow ang yabang ! xD Ayun, nagtinda ulit ako nung umaga at nung kinatanghalian ay umuwi na kami ni Kambal at tumulong na sa pagluluto ng mga paninda.
Hanggang sa abutin kami ng ala-una ng umaga sa pagluluto ng puto, kutsinta at iba pang mga kakanin. Grabe, kahit nakakapagod ay sobrang saya pa rin ng araw na iyon. Biruin mo ba naman kahit gaano kami kaabala ay nagagawa pa rin naming magharutan, magtawanan, magkwentuhan, pati na magkantahan. Oh diba, kahit mahirap ay masaya pa rin kami, di man kami ganun kalalapit ng ede pero ang puso namin ay sobrang malapit sa isa't-isa. Isa kaming buong buong napaka-laking pamilya :)
Disyembre 24, 2013
Martes
"Disperas ng pasko"
Kaya ayun, umalis na nga kami ni Kambal at nagtungo na sa palengke. Nagkwentuhan na lamang nga kami ng aking kakambal at gumawa ng kung anu-anong mapaglilibangan. Nang sumapit ang hapon ay umuwi na kami. At doon ay naabutan ko ang aking mga pinsan, tiyuhin at tiyahin na kararating laman upang maki-saya sa amin sa pagdiriwang ng pasko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang kalungkutan nang mapagtanto ko na wala ang aking mga magulang at kapatid. Agad kong tinawagan ang aking ina at napag-alamang sila ay nasa Muntinlupa kung saan naninirahan naman ang kapatid ng aking ama at doon na lamang daw nila sasalubungin at pasko. Nagpalitan nalang kami ng pagbati at sinabi nila na pupunta na lamang daw sila kinaumagahan.
Naghanda na nga kami sa pagsalubong sa kapaskuhan. Kasama pa nga kami ni Kambal sa pagluluto at paghahanda ng hapag. Malligayang Pasko sa ating lahat :)
Disyembre 24, 2013
Miyerkules
"Maligayang Pasko :)"
Isang masayang Noche buena ang aming pinagsaluhan at matapos nito ay nagbatian at napalitan na rin ng regalo. Samantala, may hiwalay naman na regalo para sa bawat isa ang aking pinsan na kauuwi lamang galing sa Dubai. Wow ! Bumabaha ng tsokalate..
Matapos iyon ay natulog na kami. Nang sumapit ang alas-otso ng umaga ay nagising ako mula sa ingay sa ibaba. Yun naman pla ay dumating na ang aking ama't ina kasama ang aking mga kapatid. Sobra ang pagkasabik ko sa kanila kaya't niyakap ko sila kasabay ang pagbati ng Maligayang pasko. Di kalaunan ay nagtungo na kami ng aking pinsan kasama na rin si Kambal sa La Joya upang ihatid ang mga order sa araw na iyon. Alas-diyes na nang umaga ng mapag-pasyahan naming umuwi na. Ngunit nalungkot kami ng mapag-alamang umalis silang lahat at kami-kami lang ang naiwan sa bahay. Lahat sila ay pumunta sa Makati upang makisaya sa pagdiriwang ng pasko kasama ang mga kamag-anak namin doon.
Naglaba na nga lamang ako at pagkatapos ay natulog na. Paggising ko ay nakauwi na sila at inibot sa akin ang aking mga pamasko. Maggagabi na rin iyon kaya't nagsalo-salo na lamang kami sa hapunan at muli nang natulog.
Disyembre 26, 2013
Huwebes
"Ang saya saya III"
Muli kaming nagtungo sa karinderya ng king tiyahin at nagtinda hanggang alas-dose ng tanghali. Matapos nito ay umuwi na kami at naghanda dahil aming napag-kasunduan na magtungo sa Divisoria upang mamili. Bago ito ay humiwalay kaming tatlo ng aking kakambal at kanyang ina upang magtungo sa kanilang tahanan sa Maria Payo sa Tondo. Pumunta kami dito upang maningil ng upa sa bahay na gagamitin naman ng aking kakambal sa pag-e-enroll.
Pagdating namin doon ay ipinasyal ako ng aking kakambal at ipinakilala sa kanyang mga kamag-anak. Di nagtagal matapos naming maningil ay sumunod na kami sa aming mga kasama sa Divisoria., ngunit mukang nagkakawalaan kami. Sinabi ng aking kuya na nasa Binondo Plaza sila kaya doon kami tumuloy ngunit wala na man sila roon. Pinasok na lamang namin ang Binondo Church na noon ko lang napuntahan. Natambad sa akin ang kagndahana ng napakalaking simbahan at humanga sa napaka-gandang altar nito. Nag-alay din kami ng kandila kasabay ang aming mga panalangin.
Matapos magtungo sa simbahan ay sandali kaming pumasyal sa paligid ng Binondo Plaza at tumuloy na sa Divisoria para mamili. Masyado kaming nalibang sa pamimili kaya naman alas-otso na ng gabi ng kami ay magkita-kita. Lulan kami ng isang pribadong van pauwi at nakatulog ako dulot marahil ng pagod at sobrang lamig mula sa pagkaligo sa mahinang ulan at lakas ng aircon ng van. Nang kami ay makarating na sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto matapos kumain ng sandali at natulog na rin. Nanakit rin kasi ang aking ulo dulot ng ambon kanina.
Disyembre 27, 2013
Biyernes
"Leche plan"
Nagtungo nanaman kaming muli sa La Joya gaya ng dati. Kinatanghalian ay umuwi rin ako at di ko na nga naabutan pa ang aking mga magulang at kapatid dahil sila ay umuwi na sa Antipolo. Maya maya ay tnawag ako ng aking tiyuhin at glat na gulat ako ng sabihin niyang tuturuan niya raw ako na gumawa ng paborito kong leche plan. Haayy .. Grabe sobrang saya ko talaga ng malaman ko iyon.
Di nagtagal ay nag-umpisa na kami at akalain mo bang isang timbang leche plan kaagad ng ipinagawa niya sa akin. Heavy pero enjoy :) At dahil nga sa masaya ako, ibabahagi ko ang mga kakailanganing ingredients sa paggawa nito:
- 3 tray ng itlog na puti
-8 gatas na malabnaw
- 8 gatas na malapot at;
- 2 kilo ng asukal
Oh diba, onti lang xD
Matapos namin iyong gawin ay muli kong naramdaman ang lubos na kasiyahan lalo na nang mapanuod namin ng aking pinsan at kakambal ang palabas na "Bubble Gang". Grabe ang mga kalokohan dito at napuno ng tawanan ang buong kabahayan, buti na nga lang at hindi namin nagising ang mga tulog. Thaha xD Matapos iyon, tutal gabi na rin naman, natulog kaming magpipinsan . Magandang gabi sa lahat :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento