Biyernes, Enero 3, 2014

Talaarawan (Ikalimang linggo)

Nobyembre 18, 2013
Lunes

  Ang tinalakay namin sa araw na ito ay patungkol sa mga Karapatang Pambat na inilunsad ng UNICEF. Base rito ang sumunod naming gawain na naka-ugnay pa rin sa akdang Mabangis na lunsod mula sa panulat ni Efren Abueg. Dito ay nagkaroon kami ng pagsulat kung saan itatala namin ang mga karapatang hindi namin nakamit at mga hakbang na aming gagawin upang maka,it namin ang mga ito. Ngunit bago ito ay nagbahagi muna ang ilan sa amin ng mga karapatang aming nakamit bilang kabataan at inilahad namin ang pagkakaiba nito sa kalagayn ni Adong, ang pangunahing tauhan sa nasabing akda.

Nobyembre 19, 2013
Martes

  Sa araw na ito inobserbahan ng aming punong-guro na si G.Beltran si Gng.Mixto. Isinadula naman ng aming pangkat (Pangkat 4) ang akdang Tata Selo mula sa panulat ni Rogelio Sikat bilang pag-uulat na siyang naiatas sa amin. Masyadong napahaba ang aming pag-sasadula kaya naman pinutol na ni Gng.Mixto ang huling bahagi nito at siya na rin ang nagtapos. Matapos ang nasabing pag-uulat ay naatasan ang bawat pangkat na mag-ulat na magsisilbing aming ika-pitong pangkatang gawain ngunit dahil sa kinapos na kami sa oras ay ipinag-paliban na lamang namin ito at itutuloy na lamang bukas. Ibinigay na lamang di ni Gng.Mixto bilang takdang aralin ang pagsusuri sa binitawang pahayg ni Tata Selo na "Kinuha na ang lahat sa akin".

Nobyembre 20, 2013
Miyerkules

  Sa araw na ito ay wala kaming ginawa kundi suriin at alamin ang mas malalim pang dahlan ni Tata Selo sa pagpatay kay Kabesang Tano at ang kaugnayan nito sa tinuran niyang pahayag. Inalam at binigyang linaw din ang mga nakatagong kaisipan sa akda bilang isang mambabasangmay malalim na pag-intindi upang lubos na maunawaan ng bawat isa ang tunay na nilalaman ng akda. Ngunit dahil nga hindi kami ganun kagaling mag-obserba at umunawa ay hindi namin nakuha ang tunay nitong nilalaman , kaya naman si Gng.Mixto na mismo ang nagbigay ng kasagutan. Matapos nito ay isang pangkatang gawain ang aming isinagawa na dapat ay kahapon pa namin natapos. Dito ay tutukuyin ng bawat pangkat kung ano ang suliranin batay sa iba't-ibang sektor ng lipunan ang isinasalarawan ng kwento at sinagot ang katanungang "Nangyayari pa ba hanggang ngayon ang suliraning ito ? Ipaliwanag. "

Nobyembre 21, 2013
Huwebes

  Sa araw na ito ay aming tinalakaty ang teoryang nakapa-loob sa akdang Tata Selo. Dito ay natukoy namin ang Teoryang Dekonstruksyon bilang teoryang ginamit sa akda. Gaya ng dati , ibinigay ni Gng.Mixto ang deskripsyon ng teoryang ito at tinukoy din namin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng teoryang ito. Bilang amin namang takdang aralin, pinagdadala kami ni Gng.Mixto ng makulay na papel at pinagagawa ng slogan patungkol pa rin sa nilalaman ng akda na isusulat naman sa oslo paper.

Nobyembre 22, 2013
Biyernes

  Kami ay nagbalik aral patungkol sa akdang Tata Selo. Ngayng araw din na ito ay nagkaroon kami ng pakikisangkot na naka-batay pa rin sa akda at pagsusulit na may sampung bilang. Ngunit bago ito ay nagkaroon ng konting katuwaan nang sa pagsagot ni Caleb, isa sa aking mga kamag-aral ay sumingit sa usapan si G.Mixto at sinabing mukha itong si Habner. Sinegundahan naman ito ni Gng.Mixto ng "Tawa na ko ?" at ito ang nagdulot ng hagalpakan ng lahat. Diba ang babaw ? Thahaha xD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento