Biyernes, Enero 3, 2014

Talaarawan (Ika-anim na linggo)

Nobyembre 25, 2013
Lunes

  Matapos magbigay ng pagbati sa isa't-isa ay nagbigay puna si Gng.Mixto patungkol sa aming mga gawi lalong higit sa aming pagbati,dito ay mababakas ang kanyang pagka-dismaya sa aming pangkat.Matapos nito ay pinag-ulat na niya ang Pangkat 2 patungkol sa akdang Sinag sa karimlan. Nang matapos ang kanilang pag-uulat ay dismayado pa ring nagbigay ng komento si Gng.Mixto patungkol sa isinagawang pag-uulat. Binagyang linaw din at itinama ang ilang maling pahayag sa ulat ng Pangkat 2.

Nobyembre 26, 2013
Martes

  Ngayon ay iniulat ng bawat pangkat ang inatas na gawain sa amin ni Gng.Mixto kahapon bago siya lumabas sa aming silid. Ang gawaing ito ay pagkilala sa apat na bilanggo na sina Tony, ang siyang pangunahing tauhan at ang tatlo niyang kasama sa kulungan na sina Bok, Doming, at Ernan. Ang aming pangkat ay naatasang iulat ang tungkol kat Doming. Matapos ang pag-uulat ng bawat pangkat ay sinuri naman namin ang bawat tauhan batay sa Pagsusuring Lingguwistika upang lalo pa sila mabigyan ng pagkakakilanlan. Pahapyaw din naming tinalakay ang Antas ng wika na konektado pa rin sa nauna nang gawain.

Nobyembre 27, 2013
Miyerkules

  Kami naman ay pahapyaw na nagbalik aral patungkol sa akdang Sinag sa karimlan at antas ng wika upang lalo pa namin itong maunawaan. Matapos nito ay nagkaroon ulit kami ng pangkatang gawain batay naman sa mga kaisipang nakapa-loob sa akda. Napagpasyahan naman ng aming pangkat na isadula na lang ito upang lalo naming maipahayag at maipakita ang kaisipang aming napili isalarawan : " Kung ang diyos nga ay nagpapatawad, ang tao pa kaya ? ".

Nobyembre 28, 2013
Huwebes

  Muli kaming nagkaroon ng pangkatang gawain patungkol sa ginampanan ng iba't-ibang institusyon sa pagkasira sa buhay ng pangunahing tauhan sa dula na si Tony. Ngunit bago pa ito ay tinalakay na muna namin ang Dulang pansuliranin na may kaugnayan pa rin sa akdang Sinag sa karimlan at iniugnay ito sa Sosyolohikal na pananaw na siyang naging sanhi ng mga problemang panlipunang kinaharap ng pangunahng tauhan at kasama na rin ang iba pang tauhan sa akda.

Nobyembre 29, 2013

Biyernes

  Wala si Gng.Mixto kaya naman si G.Mixto muna ang pansamantalang magbabantay at mag-aatas na rin sa amin ng gawain. Dito ay nagkaroon kami ng Pagsulat na gawain patungkol sa mga bahag ng akda na aming nagustuhan at hindi nagustuhan at ang aming naging reaksyon sa mga ito. Isinulat din namin sa bandang baba na bahagi ng papel o pagsulat ang bisang pandamdamin at pang-kaisipan ng akda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento