Huwebes, Enero 9, 2014

Talaarawan (Ika-labing-isang linggo)

Disyembre 28, 2013
Sabado
"Pagbabalik"

  Haayy .. Nakaka-miss din palang magtinda dito sa palengke ha . Akalain mo yun, nakasanayan na kasi eh :) Maiba ang usapan, isang napaka-regular na araw naman ang meron ngayon. Wala atang nangyaring espesyal o kasabik-sabik man lang. Tsk ! Tsk ! mebyo boring ..
  Ang ginawa ko nga lang pagkatapos ng pagtitinda ay ang maglaba. Pagkatapos ay natulog na ako. Gumising para kumain ng hapunan, nanuod sandali. Ehh , iyon nga lang ata ang katuwa-tuwang nangyari. nanuod ako kasama muli ang aking pinsan at syempre ang aking kakambal ng palabas na "Prankista". Grabe talaga, parang kagabi lang. Pero nasisiguro namin na mas maingay kami ngayon, pano ba naman mas marami at mas bago ang mga kalokohang ipinapakita dito. At ang pinaka-paborito nga naming tatlo ay yung pangyayari kung saannag-i-spirit of the glass ang isang grupo. Ayy .. Ayoko nang ikwento , magiging nobela itong blog ko xD Oh siya , lang yan talaga eh .. Paalam :)

Disyembre 29, 2013
Linggo

"Mga bagong kaalaman"

  Muli nanaman nga kaming nagtinda ng aking kakambal sa araw na ito. At tulad din ng dati, kinatanghalian ay umuwi na rin kami. Pag-uwi sa bahay ay sinabi ng aking tiyuhin na muli daw niya akong pagagawin ng leche plan. At sa pagkakataong ito, ako lang mag-isa. Hayy .. Sobra akong nasabik ng malaman ito.
  Sandali muna akong pinag-pahinga ng aking tiyuhin at tsaka nagsimula na akong gumawa. Ayy grabe ang sakit pala sa kamay magbukas ng mga lata, as in 16lata sa bawat salang. Ehh , isipin mo nga naka-tatlong salang ako ! Ow diba kamusta naman xD
  At sa araw din na ito ay natuto na akong mag-repack at mag-ayos ng mga order. Hayy .. Ang saya talaga, ang dami kong natutunan, mga tatlo ! Thaha xD Syempre pagkatapos ng mga gawain, kain kain din. At pagkatapos naman kumain,hugas ng pinggan syempre. Pero ang pinaka-masarap sa lahat ay ang pagsi-syesta. Syesta time na ! Magandang gabi sa lahat :)

Disyembre 30, 2013
Lunes

"Hirap at ginhawa II"


  Oha , ilang araw nalang at bagong taon na. At ito nanaman kami, ang mga punong abala. Ano daw ? Thaha xD Sandali muna kaming nagtinda ng aking kakambal at maya maya ay pinatawag na ako ng aking tiyuhin upang kanyang maging katulong sa paggawa ng mga order. At syempre, leche plan queen na nga daw ako kaya ayun ! Punong abala sa paggawa ng leche plan. Pero syempre hindi naman pwede na tutunganga lang ako habang hinihintay na ma-steam ang leche plan kaya tumulong na rin ako sa pagre-repack, paggawa ng puto at pag-aayos ng mga order at paninda.
  Hayy .. Tulad na nga lang din nung pasko .Tulong tulong kami sa mga gawain. At syempre masaya din, akalain mo ba namang may tagagawa kayo ng inyong makakain tapos meron p kaming kasamang clown kasabay ng masasayang kwentuhan. Pero hindi talaga siya clown, nakakatawa lamang siyang sadya. Halo-halong kalokohan at kaniya-kaniyang pagpapasaya para naman di maalintana ang pagod na nararamdaman. Ni hindi na nga namin namalayan ang paglipas ng oras kung hindi pa sumigaw ang aking pinsan ng "Walang tulugan" at nagsitinginan ang lahat sa orasan at sinundan ng malakas na tawanan.
  Hayy .. Napaka-saya talaga ng mga sandaling iyon. Hindi namin pansin ang pagod basta ang nais lang namin ay makagawa ng maayos at maibigay ang hiling ng aming mga kostumers kaya naman napakasa-sarap ng aming mga gawa. Pinaghalo-halong pawis at laway. Thahaha char lang teh xD ..

Disyembre 31, 2013
Martes
"Hirap at ginhawa III"

  Ang pagpapatuloy ..
  Ano daw ? Thaha xD
  At yun na nga alas-dos na nang mapag-pasyahan na namin ng aking pinsan na si Ate Joy na maidlip sandali upang makabawi ng lakas dahil umaga na ay wala pa kaming tulog.
  Alas-tres ng madaling araw ay ginising na kaming muli at upang ipagpatuloy ang gawain. Mula akong nagsalang ng 2timbang leche plan dahil kinapos ang una kong ginawa sa sobrang dami ng order. At nasundan pa nga ito ng napakarami pa. Lalong higt ang produksyon ng mga kakanin at ube. Ayy ,, Dami pera ! Thaha xD
  At yun na nga, imbis na magtinda ay naiwan na ako sa bahay kasama ang iba ko pang pinsan upang gumawa ng mga paninda at iba pang order. Tulad kahapon ay napakasaya rin namin sa araw na ito. Lalo na nang sumapit ang tanghalian kung saan dahil sa sobrang kaabalahan ng bawat isa ay nakalimutan namin ang naka-salang na adobo at ito'y nasunog. Diba ang simple ? Pero nagdulot na ito ng isang mahabang pag-uusap at katuwaan sa bawat isa.
  Kinahapunan naman ay inatasan akong pumunta doon at dito ? Hha ang dami kong pinuntahan para lamang ihatid ang order. Dilivery girl lang ang peg ? Thaha xD Matapos nito ay pumunta naman ako sa aming pwesto upang tumulong sa pagtitinda. Haay .. nakakapagod talaga, pero bawing bawi naman. Nang sumapit na ang alas-otso nng gabi ay umuwi na kami at naghanda para sa Media noche mamaya para sa bagong taon. Matapos niyon ay sandali kaming nagpahinga at bumangon na lamang nang alas-diyes ng gabi kung saan naaligaga ang lahat dahil kung ano na lamang ang nangyari sa kapatid ng aking tiyuhin at dinala na ito sa Hospital.
  Okey ! Ilang kembot na lang ng orasan at magsisimula na ang putukan. grabe ha, iisang minuto din kaming nagtatatalon ng mabatid namin na mag-a-alas-dose na ..

Enero 01, 2014
Miyerkules
"Maligayang Bagong taon :)"

  At nang sumapit na ang alas-dose ay nagsimula na ang sunod sunod na putukan mula sa labas. Pero syempre hind naman kami magpapahuli kaya naman umalingawngaw na ang maiingay naming bunganga. Thaha ow dba nadaig pa xD Nagsalo-salo na kami sa masarap na Media noche. Pinanuod din namin ang magagandang paputok sa labas at kumuha ng pagkarami-raming litrato at video.
  Matapos nito ay nagsitulugan na ang kahat pwera sa amin Kambal at ang 2 naming kuya. Naglinis muna kami ng mga kuko para sa pag-alis bukas at naggayak na rin ng mga gamit.
  Ala-singko ng umaga nang gisingin kami ng aming tiyahin at pinaghanda na dahil sa ano mang sandali ay darating na ang sasakyang aming gagamitin sa pag-uwi sa Antipolo. Napakasaya nang mgfa sumunod na nangyari nung araw na iyon. Noon kami nabuo bilang isang buong buong pamilya, as in buong Pamilya Aquilzan. Sama-sama kaming nagsimba sa Antipolo Church at tumuloy na rin sa Marikina River Banks pagkatapos ng misa. Dito ay nagsalo-salo kami sa napakasarap na pagkain sa Dampa. Gaya na lamang ng Sinigang na hipon,sizzling sisig, inihaw na labster at iba pang lamang dagat.
  Matapos ang isang masayang salosalo ay sama sama kaming lumibot sa buong paligid at kumuha ng mga larawan bilang isang pamilya. Namili rin kami sa mga tyangge sa paligid at nung nagkayayaan nang umuwi ay nagpalitan muna kami ng mga regalo. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan at maka-uwi ay di maalis-alis ang matatamis na ngiti sa aming mga labi. At dulot na marahil ng pagod kaya nang matapos kaming magkape ay naka-tulog na kaming lahat. Muli, Maligayang bagong taon po para sa lahat :)

Enero 02, 2013
Huwebes
"Kaarawan ng aking kapatid"

  Pagmulat ko ng aking mga mata ay nalungkot ako ng mapagtanto kong wala na ang aking kakambal at umuwi na sila sa Cavite. Haayy .. Napaka-lungkot talaga kapag wala siya ;( Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa kung anu-anong gawain. At nang maalala ko na kaarawan nga pala ng aking kapatid ay di na ako nag-atubili pang siya ay ipasyal at pasayahin ngayong kanyang kaarawan. Kahit wala si mama dahil kasama siyang nagtungo sa Cavite ay inilabas ko pa rn ang aking kapatid gamit ang aking sariling pera. Ikinain ko siya sa pabrito niyang kainan-ang Jollibee, pinaglaro sa Quantum at ibinili ng kung anu-ano. Nakita ko anng lubos na kasiyahan sa kanyang mga mata kaya' nagdulot din ito ng mainit na haplos sa aking puso at lalong kong ninais na siya ay pasayahin.
  Matapos ang mahabang paglilibang ay umuwi na rin kami at inuwian ng pagkain ang iba ko pang kapatid. Maya maya ay dumating din ang aking kaibigan na si Jess upang mangamusta at mangulit na rin. Grabe .. Parehas sila ng kakulitan ng kapatid ko, walang katapat, puro kalokohan, kaya siguro malapit din sila sa isa't isa. Hanggang sa umabot na ang gabi at dumating ang aking ama, nag -salosalo kami sa isang masayang hapunan. At naabutan pa nga ng aking ina ang pagkukulitan namin nila Jess kasama ang aking mga kapatid. Natutuwa niya kaming binati ng magandang gabi. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan kahit pa pagod diya mul sa isang mahabang biyahe. Mag-a-alas-nuwebe na ng gabi nang magpaalam si Jess. Hinatid ko na lamang sila sa labas at pag-balik ko sa bahay ay natulog na rin kami ng aking mga kapatid. Natutuwa ako at napasaya ko ang aking kapatid sa kanyang ika-anim na tong kaarawan. Maraming salamat po sa Panginoong diyos :)

Enero 03, 2013
Biyernes
"Isa nanamang ordinaryong araw"

  Araw ng pamamahinga ! Thaha akalain mo yun, wala akong ginawa sa araw na ito kundi ang matulog at kumain. HAYAHAY ! Thaha xD
  Naisip nga kasi ng aking ina na lubos akong napagod niong mga nagdaang araw kaya pinagpahinga na lamang muna niya ako sa araw na ito. Bukas na ulit ang mga nakabinbing gawain. Pahinga pahinga din daw kasi pag may time ! Isa ring dahilan ng aking ina ay napapansin na daw niya ang unti-unti paghina ng katawan at pagbagsak ng katawan. At nagpapasalamat ako kung ganoon.
  Sa buong araw na pamamahinga ay nakaramdam ako ng kaginhawaan at magaan na pakiramdam. Hayy .. Ang sarap talaga sa pkiramdam kapag nakakapag-pahinga. Sana bukas ulit, kaso malabo, balik na muli sa mga gawain bukas.Sa susunod muli. Paalam :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento