Linggo
" Kaway kaway Disyembre !! "
Kaway kaway Disyembre ! Nakalulugod naman na isipin na ang unang araw ng buwan ng disyembre ay pumatak sa araw ng linggo. At sa tulad kong nakasanayan na ang pagsisimba tuwing araw ng linggo ay nagagalak ako at pinagpalang sa umpisa palang ng buwan ay kasama ko na ang presensiya ng panginoon upang magdiwang. Dahil din sa paglalaan ko ng oras sa panginoon halimbawa na lamang ngayon ay napapagaan at napapabilis ang aking mga gawain. At gaya nga ng dati ay tambak nanaman ang aking mga gawain pero gaya ng sinabi ko ako'y pinagpapala dahil natapos ko ang lahat ng iyon sa oras at nakakatuwa dahil nagkaroon pa ako ng oras na makapag-pahinga. Pagpa-pahinga na bibihira ko lamang magawa dahil nga sa tambak na gawain sa pang-araw-araw. Ito na lamang muna para sa araw na ito, nawa'y kalugdan ng Diyos ang bawat isa at pagpalain araw-araw ! Isang mapagpalang Disyembre para sa lahat :)
Disyembre 2, 2013
Lunes
Sawi ;(
Hmp ! Umpsa palang ng araw ay di na kaagad maganda ang nangyarri sa akin. Bukod sa huli nang nagising ay huli pa sa "flag ceremony" na siyang naging dahilan upang hindi kami papasukin sa aming klase sa asignaturang Agham at hindi makakuha ng mahabang pagsusulit - Haayy !! napaka-halaga pa naman ng bawat pagsusulit. At lalo akong nalungkot ng sabihing hindi na daw kami mabibigyan ng pagkakataon na makakuha pa ng mahabang pagsusulit sapagkat naging maingay nga daw kami sa pag-akyat patungo sa aming silid -aralan. Ngunit ito naman ay hindi namin kasalanan dahil ang siyang maiingay ay iyong pangkat na kasabay namin, nadamay lamang kami.
Ngunit sa kabila nito ay pinilit ko pa ring maging maayos ang aking araw at mag-pokus sa aming iba pang aralin. Hanggang sa sumapit na ang oras para sa aming asignaturang Filipino. Nagsimula ang aming talakayan sa pagtalakay sa apat na larawan ng mga masasabing naging matagumpay na mga babae sa at kinikilala. Ito ay sina, Binibining Pilipinas 2011 Shamcey Supsup, Senadora Miriam Defensor, Korina Sanchez at ang dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo. Aming tinalakay ang mga tagumpay na kanilang nakamit sa buhay at kung paano nasabing sila nga ay naging matagumpay. Ang paunang gawain na ito ay may kaugnayan sa panibagong akda na aming tatalakayin na pinamagatang "Banyaga" mula sa panulat ni Liwayway Arceo. At dahil sa hindi naatasan ni Gng.Mixto ang pangkat 3 patungkol sa pag-uulat sa nasabing akda ay inatasan na lamang ni Gng.Mixto si Ate Vangie, isa sa aking kamag-aral na basahin na lamang sa unahan ang nasabing akda. Nang matapos bumasa si Ate Vangie ay nagtanong lamang ng ilang katanungan si Gng.Mixto at siya ay nagpaalam na.
At hindi ako nagkamali sa paniniwalang "Ang araw na nagsimula sa kalungkutan ay magtatapos din sa kalungkutan". Ito ay nang lumapit at humingi ako ng pagkakataon kay Gng.Manlagnit upang makakuha ng pagsusulit ay hindi niya ako pinagbigyan at sinabing bumawi na lamang sa ibang pagkakataon. Haay ;(
Disyembre 3, 2013
Martes
"Ayy Naku !!"
Kaugnay pa rin sa akdang binasa ni Ate Vangie kahapon ay nagkaroon kami ng gawain sa Filipino. Kung saan bago pa man ibahagi ang nasabing akda ay may pauna pang iniatas na gawain si Gng.Mixto kung saan aming sasalungguhitan ang mga salitang inuulit na matatagpun sa akda, pantig man o ang mismong salita. Ang mga salitang ito ay binigyan namin ng kahulugan mula sa salitang ugat o lantay nito at salita na siya mismong ginamit sa akda. Amin ding pahapyaw sa tinalakay ang teoryang nakapaloob dito, ang teoryang feminismo at nagkaroon din kami ng ilang gawain na magsisilbi naman bilang aming takdang aralin para sa araw na ito.
At gaya ng dati, nakakapagod ang araw na ito dahil napakarami na namang naiatas sa aking mga gawaing bahay dagdag pa ang aming mga takdang aralin sa iba't-ibang asignatura. Haayy !! Buti nalang at naisip kong sabay-sabay itong gawin kaya naman natapos ko ang lahat ng ito bukod sa pag-a-update ng aking blog. Argghh ... Ito nanaman ay hindi ko nagawa , sabagay wala ding pera :D
Disyembre 4, 2013
Miyerkules
"Nakakatamad"
Tinalakay namin sa asignaturang Filipino para sa araw na ito ang teoryang feminismo na siyang nakapaloob sa akda at binigyang pokus. Ginamit namin ang teoryang ito upng lalong masuri ang karakter ng pngunahing tauhaan na si Fely. Dito ay tinalakay namin ang pagbabago, kalakasan at kahinaan ni Fely. Amin ding binigyang pansin kung napanatili ba niya ang kanyang lakas hanggang sa huling bahagi ng akda . Matapos nito ay nagaroon kami ng pangkatang gawain kung saan ang aming pangkat ay naatasan mag-ulat sa pamamagitan ng isang Talk show. Ngunit dahil sa kinapos na kami sa oras ay pinagpaliban na lang muna namin ang pag-uulat nito at ipagpapatuloy na lamang bukas, Malamang :p
Isang pangkaraniwang araw, wala gaanong nangyaring di inaasahan ngayon araw na ito. Tulad pa rin ng dati, ilang gawaing bahay at pampaaralan. Ang ipinagka-iba nga lang ay tamad na tamad ako ngayong araw na ito. Ang gusto ko lamang ay MATULOG !! xD
Disyembre 5, 2013
Huwebes
"Heto na !!"
Hayy !! Buti pa sa aming Filipino III wala kaming gaanong ginawa. Nag-ulat lamang ang bawat pangkat ng mga gawaing naiatas ana siyang hindi namin natapos kahapon.
Ngunit sa aming bahay -- Kaway-kaway mga labahin :))
Dahil sa isang linggo halos hindi kami nakapag-labaay natambak ang sangkaterbang labahin. Pano ba naman, haayy naku ! Nasira ba naman ang aming washing machine at natagalan pa bago nakahanap ng mateyales na kinakailangan upang makumpuni ito. Kaya ayun ! Kasama ang aking ina, ginugol namin ang buong mag-hapon sa paglalaba para lamang kahit papano ay mabawasan ang natambak naming labahin. Ngunit sa kasawiang palad, hindi namin naubos ang mga labahin gaya ng inaasahan kaya naman pagpapatuloy na lamang namin ito sa ibang araw. Wushuu ! Pagod talaga ! Para kaming binugbog ng kung ilang kalabaw xD Matapos nito ay di ko na namalayan na ginupo na pala ako ng anotok at di na ako nakakain pa ng hapunan sa sobrang kapaguran.
Disyembre 6, 2013
Biyernes
"Hindi medyo xD"
Hindi medyo ! Sagot ni Hablero, aking kamag-aral sa katanungan ni Gng.Mixto sa araw na ito at siyang dahilan upang lahat ay magsitawanan. Oh diba ! Ang saya ng lahat kapag Filipino na ! Aktibo ang mga utak at laging nagtatawanan, na kadalasan ay dahil sa mabababaw na dahilan. At ang tanong nga na ito ay "Naging matagumpay nga ba sa buhay si Fely, ang pangunahing tauhan sa akdang Banyaga ?". Ang siya ring dahilan upang mahati ang aming pangkat sa dalawang punto. Ngunit sa huli ay napagtanto namin na naging matagumpay nga siya ngunit hindi naman niya napanatili ang kanyang kalakasan hanggang sa huli. Mula sa katanungang ito ay nagbaliktanaw kami sa aming mga tinalakay patungkol pa rin sa akda. Nagkaroon kami ng pagsulat kung saan magkaiba ang ipinupunto o pinapaksa ng babae at lalaki.
Sa kabuuan, masasabi kong naging masaya naman ang aking araw sa kabila ng ilang problema dahil sa mas matagal kong nakasama ang aking mga kaklase at kaibigan. Sa araw din na ito kami nagcanteener kung saan puro III-Diamond lamang ang naroon at mga kaibigan ko pa. Masaya kaming nagtawanan at nagkulitan kasama sina Gng.Catolos at si Ate Merry at kanayang asawa, nagtitinda ng burger sa loob ng school. Ang saya xD
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento