Miyerkules, Enero 8, 2014

Talaarawan (Ika-walong linggo)

Diseymbre 7, 2013
Sabado

"Throwback Saturday !!" 

  Nang umagang iyon ay nag-general cleaning kmi ni mama upang maibalik sa dating ayos ang aming kabayan at syempre upang malinis na rin ito. Matapos niyon ay ibinuhos ko na ang aking buong atensyon sa mga gawaing pampaaralan. Tinapos ko na ang pagsasa-ayos at pag-kumpleto sa iba kong portfolio. Ang aking ina naman ay umalis upang ihatid ang mga bagay na gagamitin ng aking ama sa pagpunta at pananatili doon sa Bulacan ng isang araw lang naman. 
  Matapos nga ang nasabing gawain ay di inaasahang dumating ang aking tiyahin at kami ay nagkkwentuhan. Ang aming pinag-uusapan ay patungkol sa aming mga karanasan sa unang pagsali sa naka-ugaliang Alay-lakad. Binalikan namin ang bmga pangyayari nung gabing iyon at nagagalak na maalala ang lalaking naka-agaw ng atensyon ng aking tiyahin.Ang lalaking nakipag-kilala sa akin habang kami ay nagpapahinga sa isang bakanteng lote. Naaalala ko pa nga ang una kong reaksyon sa kanyang ginawa, ako'y tila walang naririnig at di alintana ang kamay na nakalahad sa aking harapan at simbolo ng pakikipag-kilala. Nagulat na lamang ako ng sikuhin ako ng impit ng aking tiyahin at sabihin tanggapin ang iniaalok na pakikipag-kilala ng lalaki dahil katwiran niya ay mukha naman itong matino at gwapo nga daw. Awwchuu ! " I didn't talk to strangers" bulong ko sa sarili. Ngunit wala na akong nagawa pa dahil di ko naman matanggihan ang aking tiyahin at ayaw ko namang mapagsabihan ng paborito niyang "KJ". Kaya ayun nakipag-kilala ako at nang hingiin nito ang aking numero ay ayan nanaman ang sulsol ng aking tiyahin at siya na rin ang nagbigay ng aking numero. Pero aaminin ko na natuwa din ako sa nangyari dahil napaka-maginoo ng lalaki sa mga oras na iyon at totoo nga - gwapo nga ito xD
  Ayy hala tama na yan ! Sa susumod na ang iba pang nangyari dahil kilig na kilig na ang aking tiyahin ng kamustahin kung may pag-uusap pa nga daw na nangyayari sa aming dalawa ng nasabing lalaki. At nung aminin ko na meron pa nga at ngayon ay magkaibigan na kami dahil di naman nalalayo ang aming edad ay nagtitili ang aking tiyahin. Ay ang harot ! Oh siya tama na talaga !
  Pinal lang na natapos ang aming pagbabalik tanaw sa nakaraan ng dumating ang aking ina at galit na galit ng mapagtantong madumi ang hapag-kainin at ako nga ay dinakdakan. Ayun nagalit siya kaya humingi ako ng paumanhin at di naglaon ay humupa rin ang kanyang galit. Bago pa maghapunan ay nagkabati na kami at muli akong humingi ng paumanhin bago magsimula sa pagkain. Hay naku ! Ayoko ngang kumain ng liempo at andoks kung galit pa sakin si mama. Di bali nalang noh. Hmp !
 Hayy ! Nakakatuwa talaga ang araw na ito ! Aba ewan ko ba , ang sarap balikan ng mga nakalipas nang mga alala .. Good night ;)

Disyembre 8, 2013
Linggo
"Maligayang kaarawan !"

  Inumpisahan ko ang aking umaga sa nakagawian ko nang gawain tuwing araw ng linggo. Ito ay ang pagdala sa misa sa aming kapilya malapit sa aming tahanan. Matapos nito ay ipinagpatuloy ko na ang aking mga gawaing pambahay at pampaaralan.  Hanggang sa sumapit ang ika-alas-kwarto ng hapon kung saan dumalo ako kasama ang aking pinsan sa kaarawan o debut ng isa sa aming matatalik na kaibigan. 
  Pito laman kami na naroroon kasama ang birthday celebrant at iba pa naming kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil nauna na ang iba pa niyang mga bisita. Ayy espesyal kuno !! Walang patid na kainan , kantahin at inuman na rin - ng juice at soft drinks :) Mahabang kulitan at pahapyaw na mga kwentuhan din ang naganap.
  Kaakibat nga ng kasiyahang ito ang pagnanais namin na gawing espesyal ang kanyang kaarawan at masaya na rin kahit pa nga hindi na niya kasama ang kanyang ama sa pagdiriwang na ito. Pumanaw na kasi ang kanyang ama ilang buwan bago ang kanyang debut na ipinagdiriwang namin ngayon ngunit ang totoo ay sa ika-sampu pa dapat ng Disyembre.
  Sulit naman ang lahat ng ito dahil nakita namin ang lubos na kasiyahan at kagalakan sa kanyang mga mata. Napa-iyak pa nga siya nang di niya inaasahan na basagan namin siya ng itlog sa ulo matapos ang isang masayang awitin. Lalo kaming natawa ng maalala namin na bagong rebond nga pala ang kanyang buhok kaya naghalpakan ang lahat. Ewan baka nga isa yun sa dahilan kaya siya umiyak !! Thaha xD
  At nang sumapit na ang ika-sampu ng gabi ay nagpaalam na ang lahat at nagsi-uwian na kami . Ayy sana di nalang natapos ang napaka-sayang araw na iyon. Mula na rin sa nagdiriwang ng kanyang kaarawan - hindi namin makakalimutan ang napaka-sayang araw na iyon.

Disyembre 9, 2013
Lunes 
"Wooh pagod :("

  Umpisa palang ng araw ay di na ako magkanda-ugaga sa mga gawain. Kinakailang ko kasi mas maagang makapasok sa aming paaralan upang di na maulit pa ang nangyari nung isang linggo at paka-abot sa flag ceremony. Pagdating sa eskwelahan ay tsaka ko palang naramdaman ang lahat ng pagod at antok dulot ng mga ginawa kahapon at ang pagtulog ng lagpas ala-una na ng umaga. Oh diba heavy !!?  At ito nga ang naging dahilan upang di ako makapag-pokus sa aming mga aralin . Hanggang sa umabot na ng break time at mukang dun palang bumalik ang aking enerhiya at ayan, nakipag-tawanan at kulitan na ulit sa aking mga kamag-aral kasama ang dati ko pang mga kaibigan. Malalakas na mga tawanan at kwentuhan ang umalingawngaw sa buong silid dulot ng aming pangkat. Sorry maingay xD
  At sumapit na nga ang asignaturang filipino, ngunit nakakalungkot dahil wala si Gng.Mixto kaya't si G.Mixto muna ang pumalit at nag-atas sa amin ng mga gawain. Ito ay patungkol naman sa panibagong akdang aming tatalakayin na pinamagatang Kinagisnang balon mula sa panulat ni Andres Cristobal Cruz. At nang matapos ako ay ginamit ko ang mga natitirang oras sa pagpapahinga.
  Nang ako ay makauwi na sa aming tahanan ay hinarap ko nanamang muli ang tambak na gawain mula sa paglalaba, pagtutpi ng mga damit, paglilinis ng bahay at mga gawaing pampaaralan.Nang matapos ang mga gawaing ito ay pagod na pagod akong nahiga at unti-unti nang ginupo ng antok. Hayyy .. Walang kani kain Tol ! :P

Disyembre 10, 2013
Martes
"Thank you Lord ^.^"

  Woohh !! Bukod sa maaga ang uwian , naging maayos din ang aking pag-uulat sa Matematika katulong si Maestre, aking kamag-aral. Ngunit dahil sa maagang itinigil ang aming klase ay hindi na kami nagkaroon pa oras para sa aming talakayan sa asignaturang Filipino. Tinalakay na lamang ng pahapyaw ni Gng.Mixto ang tungkol sa aming blog at ilan sa mga balak niya sa darating na ika-10 ng disyembre. At dito nga ay inatasan niya ang bawat pangkat na magkita ng iba't-ibang presentasyon na may kaugnayan sa Filipino at mga Pilipino. Ilan nga sa mga ibinahagi niyang dapat naming gawan ng presentasyon ay ang pagayaw, pagkanta, at pagbou ng tula o kanta basta't may kaugnayan sa aming pinapaksa.
  Ang saya na sana kaya lang muli kaming nagka-galit ng aking ina dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kaya ayon, galit nanaman siya sa akin at hindi ko rin naman napigilang magalit sa kanya. Pano ba naman, lagi nalang niya ako pinag-hihinalaan, piling ko tuloy ay wala siyang tiwala sa akin. Pati nga ang aking pag-aaral kung minsan ay pinaghihinalaan niya na rin. Paano'y masyado nang polluted ang kanyang isip sa mga pangyayari sa aming paligid. Haay .. Napa-praning na tuloy si mama :(
  Hayy .. Ang hirap !! Pero salamat pa rin sa panginoon dahil kahit papano ay naging maganda pa rin ang mga nangyari sa akin sa araw na ito at iyon ang mas dapat kong isipin sa higit sa ano pa man.Siguro naman magkaka-aoys din kami ni mama. NAWA !

Disyembre 11, 2013
Miyerkules
"Like ! :)"

  Naging masaya naman ang bungad ng aking umaga sa ngayon. Naging maayos at masaya din ang aning talakayan sa iba't-ibang asignatura. Gaya na lamang sa Filipino, kung saan nagkaroon kami ng isang gawain na binubuo ng 10 puntos. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain kung saan naiatas sa amin ang gawain na madali naming natapos at ang pangkat lamang namin ang nakapag-ulat sa araw na ito. Ngunit bago ang lahat ay nag-ulat na muna ang pangkat 3 kung saan pinangunahan ito ng Brite Padernal sa pagbabahagi ng pahapyaw patungkol sa buhay ng may akda ng akdang tatalakayin na Kinagisnang balon. 
  Matapos ang pag-uulat ay nagbigay ng mumunting komento ssi Gng.Mixto sa ginawang pag-uulat. At doon nga ay nagkaroon kami ng konting katuwaan dahil sa mababait kong mag-aaral, siyempre kasama pa din ako sa nakitawa xD. Konting talakayan at paglilinaw mula kay Gng.Mixto at doon ginanap na nga ang mga paunang nabanggit na gawain. 
  At wala pinagbago, ganun pa rin sa bahay at wala namang nangyaring kung nong espesyal sa araw na ito. Yan na muna sa ngayon. Paalam :)

Disyembre 12, 2013
Huwebes
"Pagpapahalaga"

  Una sa lahat, nang mag-umpisa na kami sa asignaturang Filipino ay nagtanong si Gng.Mixto kung sino ang may kuting na maaaring hingiin upang may kalaro daw ang kanyang alagang aso. Hayy .. Ayan nanaman ang walang puknat na usap-usapan ng aking mga kamag-aral. At nagsipag-tawanan maya-maya. Matapos nito ay binigyan ni Gng.Mixto ang mga natitirang pangkat upang iulat ang naiwang gawain kahapon. Nilinaw din ni Gng.Mixto ang ilan sa mga punto ng bawat pangkat upang mabigyang linaw at itama ang ilan sa mga ito.
  Tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob sa akdang aming tinatalakay. Ang teorya ngang ito ay ang teoryang dekonstruksyon.  Nagkaroon din kami ng usapan o palitan ng ideya patungkol sa katunungang kung ano ba ang dapat manaig, ang paniniwala o ang tradisyon. Ibinahagi din ni Gng.Mixto ang kaisipang nakapaloob sa akdang tinatalakay. At ito ay ang,"Mas malakas ang tawag ng pangangailangan kaysa sa tawag ng kagustuhan.
  Pahapyaw din na ibinahagi ni Gng.Mixto ang kanyang mga naging karanasan noong siya ay nag-aaral ng hayskul at kolehiyo. Kasama na rin ang kanyang mga obligasyon kaakibat ng pagiging panganay na anak na kaugnay pa rin sa nais na iparating ng akda na "Pahalagahan ang mga magulang".
  Ganun pa rin, walang ipinagkaiba. Parehas na mga gawain sa bahay at kung an-anong pinagkakaabalahan.

Disyembre 13, 2013
Biyernes
"Pagtupad sa pangarap"

  Umagang-umaga pa lang ay lubos na kong pinagpala dahil naging masaya ang aming usapan ng aking mga magulang kasama ang aking kuya bago pa ako umalis ng bahay patungong paaralan. Sa paaralan naman ay sinalubong agad ako ng aking mga kamag-aral ng matatamis ng ngiti at masiglang pagbati ng isang magandang umaga. Oh diba , gumu-good vibes ang lahat :)
  Naging maayos din naman ang aming naging talakayan sa aming mga asignatura kasama na nga ang asignaturang Filipino. Kung saan una kaming nagbalik aral at nagbahgi ng mga pagpapahalaga sa trabahong ama't-ina dahil sabi nga natin, dito nila tayo binubuhay at dapat lang na maging masaya dahil binubuhay nila tayo ng marangal. Kaugnay pa nga rin nito, napag-alalaman namin na sa taong 1950's isinulat ang akdang ito kung saan kahit hayskul lamang ang iyong natapos ay maaari nang makapag-trabaho kaya lang, pahirapan nga at tanging mapapalad lamang ang nakakapag-hanap ng trabaho.
  Binahagi nga rin ng bawat isa kaakibat ng pagtatanong ni Gng.Mixto kung ano ang kursong aming kukunin sa pagtungtong sa kolehiyo. Nagkaroon din kami ng pagsulat ng sanaysay o kaya naman ay salaysay na patungkol sa "Pagtupad sa pangarap".
  Matapos ang aming klase ay nagtipon ang ilan sa amin sa isa sa mga bench sa field upang idaos ang lingguhan naming Bible study. At lalo akong natuwa ng ipaalam sa amin na bukas sa gaganapin ang pinakahi-hintay naming masayang Christmas party. Dito ay makakasama namin ang ilan sa mga YWAM Leaders, members at marami pang iba.
  Awtssuu .. Nakaka-excite teh :)

1 komento: