Biyernes, Enero 10, 2014

Talaarawan (Ika-labindalawang linggo)

Enero 04, 2014
Sabado
"Pagod buong maghapon"

  Ngayong araw ay maaga kaming nagsimulang maglaba ni mama. Pero bakit ganun ? Inabot pa rin kami ng hapon sa paglalaba .. Eh yun na nga lang ata yung inasikaso ko buong araw ! Heavy diba ? Kinagabihan nang patulog na kami ay dumating ang naman ang naghihilot kay mama. Kaya ayun naki-sabay na rin ako. Wow .. Bawing bawi ang pagod kanina. At yun lang, diba ang onti ? Sige na ! Yun lang lang talaga kasi pagkatapos niyon ay nakatulog na ako. Magandang gabi sa lahat :)

Enero 05, 2014
Linggo
"Nakakalungkot"

  Hayy nalulungkot talaga ako. Naku ! Kung alam ko lang talaga na mapapasarap nang ganun ang tulog ko at ang dahilan nang hindi ako makapag-simba, di nalang sana ako nagpahilot. Hayy .. Tapos nasundan pa toh ng alitan namin ni mama.. Hayy ano ba yan :'(
  Kaya ayun nagpaka-abala nalang ako sa mga gawaing bahay at sa paghahanda sa pagbabalik eskwela bukas. At sa pag-alala niyon, piling ko ba'y kahit papano ay gumaan ang aking loob dahil makakasama ko nanaman ang mababait kong mga kaklase. Ngunit nang mapagtanto ko na malapit na pala ang ikatlong markahang pagsusulit ay biglang naglaho ang aking kasiyahan at napalitan ng kaba. Hayy .. Nawa'y maging maganda ang ang kahantungan niyon. At dun na nga nagtapos ang araw na iyon. Ganun pa rin matapos naming kumain nang hapunan, naghugas lamang ako ng pinagkainan, nanuod sandali at natulog na kami. Magandang gabi sa lahat ! Paalam :)

Enero 06, 2014
Lunes
"Balik eskwela"
 
  Isang nagmamadaling umaga nanaman para sa akin dahil lunes ngayon at higt sa lahat, may flag ceremony kaya hindi ako pwedeng mahuli. Ngunit pagdating ko sa aming paaralan ay nag-uumpisa na ito at kumpulan na ang mga mag-aaral sa labas dahil hindi rin sila nakapasok gaya ko. Pati nga ang ilan sa mga officer ng SSG. Pero nay naging apila naman kami dito dahil napaka-aga nilang nagsimula kaysa sa oras na napag-usapan kaya naman humingi na lamang ng paumanhin ang kanilang pangulo na si Ate Claudette.
  Pag-akyat naman namin sa aming silid ay sarado na ang pintuan ngunit di nagtagal ay pinapasok din kami dahil nga sa nasabing dahilan. Sa bawat asignatura ay wala kaming ginawa kung di ang mag-balik aral dahil sa darating na huwebes na nga ang aming markahang pagsusulit.
  Sa aming asignaturang Filpino naman ay pahapyaw kaming nagbalik aral at tinalakay na rin namin ang tungkol sa aming proyekto na blog. At doon na nga nagtapos ang aming klase sa asignaturang ito. Hanggang sa pagtatapos ng klase ay masayang-masaya ako dahil muli ko nanamang nakasama ang aking mga kaibigan.
  Nang makauwi na ako ay wala ang aking ina sapagkat ito ay umalis at nagtungo sa opisina na pinapasukan ng aking ama. Habang naiwan naman sa aking pangangalaga ang aking mga nakababatang kapatid kaya hindi ko na nagawang mag-update pa ng aking blog.

Enero 07, 2014
Martes
"Blog"

  Yehey ! Muling nagbabalik sa mundo ng modernisasyon .. Ano daw ? xD
  Sa wakas, nakapag-update na rin ako ng aking blog .. Matgal tagal din mula nung huli ko itong buksan Ha ! Kaya ayun sobrang gahol na ako sa oras upang mahabol pa ang mga kulang na araw dito.
  Tulad ng dati ay paulit=ulit lang din naman ang aking mga ginagawa, mapa-gawaing bahay man o pampaaralan. Wala namang bago kaya ito na lamang ang mailalagay kong pangyayari sa ngayon. Hanggang sa muli ! Paalam :)

Enero 8, 2014
Miyerkules
"Aligagang babae"

  Aligagang babae ako sa araw na ito. Pano ba naman ang dami-dami ko pang dapat gawin. Halimbawa na lang ng pag-a-update ng aking blog na nagawa ko naman, pagre-review na konting pasada lang ang ginawa at mga gawang bahay na natugunan ko rin naman. Ow diba, aligagang talaga xD
  Sa aming klase naman ay nagkaroon kami ng mga pagsusulit bilang pagbabalik aral. Kasama na nga dito ang asignaturang Filipino na pinalawig pa ni Gn.Mixto upang lalo naming mantindihan.
  Sa lahat lahat ang katapusan ay ang pagtulog. Malamang pagod eh xD di ko nga namalayan na nakatulog na pala ako habang nagre-review habang ang aking mga kasamahan sa bahay ay gising na gising pa at nanuod hanggang ala-una ng madaling-araw. Wow buti pa sila may lakas pa, ako di ko na talaga kaya !
Hayy .. Nawa ay maipasa ko ang mga pagsusulit bukas at sa biyernes. Good luck sa lahat :)

Enero 9, 2014
Huwebes
"Unang araw ng pagsusulit"

  Hayy kabado, sobra !!
  Pagdating na pgdating ko sa aming paaralan at maka-upo sa naiatas sa aking upuan ay binuklat ko agad ang aking mga kwaderno upang ipagpatuloy ang aking pagre-review. Ngunit di nagtagal ay nagsimula na nga ang aming pagsusulit. Grabe yung English ka-lebel ng Math, ang hirap x'C at yung TLE lang ata yung madali sa lahat. Pero wag ka , napa-isip din naman ako dun.
  Nang makauwi na ako sa aming bahay ay hinarap ko naman ang aming mga sampayin matapos itong labhan kahapon. Alas-kwatro na ng hapon nang ako ay matapos at dumiretso na sa computer shop para mag-update ng aking blog. Haayy .. Aligaga nanaman xD Gabi na nang ako ay makatapos at hinarap ko naman ang naiatas sa aming pagbubuod at ipinag-patuloy ang paggawa nito. Ngunit nakalu-lungkot sabihin na hindi ko na ito nagawang tapusin pa dahil pinagalitan ako ng aking ama. Nagagalit siya dahil napapabayaan ko na daw ang aking sarili dahil puro pag-aaral nalang daw ang inaatupag ko at madalas pa nga ay ala-una na ako natutulog para lang matapos at muling balikan ang aming mga aralin. Tla daig ko pa raw ang aking mga guro dahil sa sobra kong paglalaan ng oras sa pag-aaral. Kaya ayun, di ko na nagawa pa ang aking mga buod at labis akong nanghihinayang sa markang kalakip nito.. Hayy Lord nawa'y wag na pong lalo pang bumaba ang aking maka.. Please ... ;(


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento