Martes, Disyembre 10, 2013

Talaarawan (Ikatlong Linggo)

Nobyembre 04, 2013
Lunes

  Ngayon ay iniulat naman ng Pangat 2 ang ikatlong aralin na aming tatalakayin para sa mrkahang ito. Ang akda ay pinamagatang Sa pula , Sa puti mula sa panulat ni Francisco Soc Rodrigo. Ngunit bago ito ay nagkaroon muna kami ng pagbabalik tanaw sa huling araling aming tinalakay at isang maikling pagsusulit naman patungkol sa akdang Sa pula , sa puti. Nagbahagi rin ng larawan si Gng.Mixto upang introduksyon sa aming bagong aralin. At muli ting tinalakay ng pahapyaw ang 3 Kombensyong Sililoquy, monolog at aside.

Nobyembre 05, 2013
Martes

  Aming tinalakay sa araw na ito ang mga katagang ginamit sa akdang Sa pula, sa puti. Amin itong natukoy bilang Idioma ngunit hindi na namin ito masyado pang pinalawig. Sa araw na ito ay nagkaroon din kami ng pangkatang gawain kung saan ay kinakailangan naming bigyang reaksyon ang nasabing tauahn batay sa mga ibinigay na katanungan. Sa gawaing ito, naiatas sa aming pangkat na kilalanin si Sioning.


Nobyembre 06, 2013
Miyerkules

  Muli kaming nagkaroon ng pangkatang gawain kung saan patungkol ito sa mga kaisipang maaaring makuha o mai-ugnay sa akda. Kasama na rin dito ang epekto ng pagsusugal sa ating sarili, pamilya, at bayan na siya namang naiatas sa aming pangkat. Ang gawaing ito ay aming itinanghal sa pamamagitan ng pagsasadula.

Nobyembre 07, 2013
Huwebes

  Nagkaroon kami ng pagbabalik-aral kung saan ito ay patungkol sa pangkatang gawain na isinagawa namin kahapon. Tinalakay din namin ang problemang kinaharap ng mag-asawang Kulas at Celing. At sa huli ay nagkaroon naman kami ng pagsulat kung paano ba namin maiiwasan ang pagsusugal. Dito any sinabi ni Gng.Mixto na gawin daw naming kalibang-libang ang aming pagsulat at gamitan ng mga bullets para maisalaysay ang mga hakbang o puntong dapat nating tandaan.

Nobyembre 08, 2013
Biyernes

  Nasuspinde ang aming klase dahil sa bagyong Yolanda.

Panalangin:
http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/videos/2013-11-11/26379/Panalangin-para-sa-Pilipinas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento