Lunes
Ngayon ay iniulat ng pangkat 1 ang akdang Banaag at Sikat. Inumpisahan nila ito sa pahapyaw na pagkilala sa sumulat ng akdang ito na si Lope K. Santos. Matapos ang pag-uulat ng naatasang pangkat ay binigyang linaw naman ni Gng.Mixto ang ilang bahagi nito upang lubos naming maunawaan ang ano mang mensahe ng akda. Bago matapos ang aming klase sa asignaturang Filipino ay inatasan ni Gng.Mixto ang bawat pangkat na iulat ang nasabing gawain. Nagayon ay nag-ulat ang ang bawat pangkat patungkol sa iniatas sa aming gawain kahapon. Ang aming pangkat ay naatasang oaghambingin ang mga tauhang sina Talia at Meni. Pinaghambing ng aming pangkat ang dalawang tauhan gamit ang Venn Diagram mula sa panutong kaakibat ng bawat flash cards. Natutuwa ako at naging maayos ang aming pag-uulat atbnaging kuntento ang bawat isa sa aming mga kasagutan.
Oktubre 22, 2013
Martes
Sa araw na ito nagkaroon kami ng pag-uulat patungkol sa inatas sa aming gawain kahapon. Matapos naming mag-ulat ay muli naming tinalakay ang mga paniniwala ng mga taujan sa akda. Dahil din dito ay nagkaroon kami ng takdang aralin kung saan aming kikilalanin sila Elias at Crisostomo Ibarra , mga tauhan sa akdang Nilo Me Tangere sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanilang mga katangian at paniniwala.
Oktubre 23, 2013
Miyerkules
Nagayon ay nag-ulat ang ang bawat pangkat patungkol sa iniatas sa aming gawain kahapon. Ang aming pangkat ay naatasang paghambingin ang mga tauhang sina Talia at Meni. Pinaghambing ng aming pangkat ang dalawang tauhan gamit ang Venn Diagram mula sa panutong kaakibat ng bawat flash cards. Natutuwa ako at naging maayos ang aming pag-uulat at nging kuntento ang bawat isa sa aming mga kasagutan.
Oktubre 24, 2013
Huwebes
Muli naming tinalakay ang mga tauhan na siyang tinatalakay na rin kahapon. Inalam na namin ang kanilang mga katangian, inalisa at pinag-hambing ang mga ito. Sa huli ay lumabas na may pagkaka-parehas ang katangian ng mga ito ngunit may iba-iba naman silang paniniwala at paninindigan, Tulad kahapon , hindi din namin natapos ang aming talakayan kaya inatasan kami ni Gng.Mixto na alamin na lamang namin ang kasagutan sa natirang mga katanungan sa pagbabasa namin sa aming kanya-kanyang tahanan.

Biyernes
Ipinagpatuloy namin ang aming talakayn patungkol sa mga tauhng sina Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere at sina Delfin at Felipe naman ng Banaag at sikat. Habang tinatalaky namin ang katangian nina Elias at Crisostomo Ibarra ay may kataningang itinanong sa amin si Techon. Itinanong niya kung sino ba kina Ibarra at Elias ang namatay sa akda. Lumakas ang usapan kaya't marami sa aking mga kamag-arala ng na-intriga, may mga sumagot na si Elias daw ang namatay at may mga tumutol din naman dahil ang totoo ay si Ibarra daw. Nakakatuwang pakinggan ang mga pasaringang ng aking mga kamag-aral dahilhindi sila magkasundo sa iisang tumpak na pasya. Hindi nagtagal ay isinalaysay ng pahapyaw ni GngMixto ang buod ng Noli Me Tangere upang malinawan ang lahat at sa huli ay napag-alaman na si Elias ang namatay sapagkat nililo niya ang mga Guwardiya sibil at nagpanggap na si Ibarra upang matuon sa kanya ang atensyon ng mga ito, tumalon siya sa ilog at nakatakas naman si Ibarra mula sa mga ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento