Disyembre 14, 2013
Sabado
"Ang saya saya xD"
Wuuooh ... Ang pinakahi-hintay-hintay naming Christmas party kasama ang mga YWAMers :)
Ayiiee .. Nakakaatat teh !! Paniguradong magiging napaka-saya ngt araw na ito. Pero teka sandali , laba laba din pag may time ! Pambawe na rin dahil matagal-tagal din bago ako maka-uwi. Baka nga abutin pa kami ng gabi dahil maraming nakahandang aktibidades gaya ng mga laro, worship, pasasalamat sa panginoon, at syempre marami din silang inihandang presentasyon para nga daw sa amin kaya siguradong magiging masaya ito.
Okey , nakatapos na kong maglaba at sumapit na nga ang oras na aking pinakahi-hintay. Alas-diyes na. Gora na teh xD At nang makarating na nga kami sa pagdarausan ng programa ay sinalubong agad kami ng iba pa naming kasama. Nagsagawa din ang mga YWAMers ng isang skit,pagkatapos ay nagsagawa ng ilang palaro at sama sama kaming nag-worship bilang papuri't pasasalamat na rin kay Lord!
At parang biglang tumalon palabas ang aming mga puso ng muli naming masilayan ang dating namumuno sa amin na si Ate Gretchen. Sobra kaming nangulila sa kanya dahil kinakailangan niyang lumipat ng base upang iba naman ang maturuan at mailapit kay Lord. At dahil doon ay pansamantala niya kaming iniwan upang pamunuan naman ni Ate Juliet. Sobrang katuwaan ang nadama namin sa kanyang pagpunta sa aming party at dahil doon - Picture picture na xD Grabe sa sobrang pagka-miss namin sa kanya ay halos nayupi siya sa higpit ng aming yakap at napuno ng tawa ang buong paligid.
Syempre di naman pwedeng mawala ang kainan. Sama sama kaming kumain at tinanggap ang biyayang mula kay Lord nang may ngiti sa aming mga labi. Grabe talaga, hanggang sa pagkain tawa kami ng tawa at hindi na natapos ang aming kwentuhan at biruan. At nang malapit na ngang magtapos ang aming programa ay pinabaunan nila kami ng tag-iisang Youth Bible na magsisilbing kanilang regalo sa amin.
Di naglaon ay natapos na ang programa at isinara namin ito sa isang mataimtim na panalangin bilang pasasalamat sa lahat lahat at gabay at pagpapala na rin para sa lahat.
Napuno ng kasiyahan ang araw kong iyon at bago umuwi ay dumiretso pa ang ilan sa amin kila Ate Vangie upang mapag-usapan at maisa-pinal na ang aming inihandang presentasyon sa Filipino. Nang makauwi ako sa bahay ay hinayaan na akong magpahinga ni mama matapos namin magsalo-salo sa isang masarap na pagkain. Hayyy .. Maraming-maraming salamat po sa Panginoong diyos. AMEN :)
Disyembre 15, 2013
Linggo
"Ang saya saya II"
Gaya ng nakagawian ay nagsimba ako dahil nga araw ng linggo ngunit doon naman sa church nila Jess, ang aking kaibigan. At natutuwa din akong kasama niya ako sa kanyang kaarawan na ipinagdiriwang niya ngayon. Nagpapasalamat ako at binigyan pa siya ng panginoon ng panibagong taon, buhay at pinuspos ng pagpapala. Masaya naman ang aming pagsisimba sa kanilang church at nang dahil din dito ay nakatagpo ako ng bagong mga kaibigan na sina kuya Kenneth, ate Hannah, ate Pauline at marami pang iba na napakaba-bait at mainit ang pagtanggap sa akin.
At nang natapos na ang misa ay dumiretso kami sa kanilang tahanan upang ipagdiwang nga ang kanyang kaarawan. Dito ay nakilala ko ang kanyang mga kapatid at mga magulang. Matapos nito ay inihatid na niya ako sa aming bahay.
Habang nagpapahinga naman ako ay nagyaya ang aking pinsan na ipagdiwang din daw namin ang kaarawan ng kanyang ama, ang aking tiyo. At hindi naman ako naka-hindi dahil wala din naman akong gagawin sa aming bahay. Doon kami ay nagkasiyahan at nagkainan na rin.
Nang matapos na ang kasiyahan ay pinili kong magpahinga dahil hndi na maganda ang aking pakiramdam. At paggising ko nga ay namulatan ko akng aking ama na ginigising ako upang makakain dahil alas-sais na pala ng gabi. Napansin din niya na hindi maganda ang aking pakiramdam kaya't ako pina-inom niya ng gamot at sinabihang magpahinga na. Pero dahil sa matigas ang ulo ko ay pinilit ko pa ring magtungo sa computer shop para makapag-update ng aking blog.
Hayy .. Di nagtagal ay umuwi na rin ako dahil lalo lang nanakit ang aking ulo at natulog na nga pag-uwi matapos kong kainin ang pasalubong sa akin ni papa na tsokolate. Hayy .. Ang sarap talaga ng Toblerone :)
Disyembre 16, 2013
Lunes
"Aral aral na ulit !"
Pagmulat ng aking mata ay bumulong ako ng isang panalangin bilang pasasalamat sa biyayang buhay. Matapos nito ay naghanda na ako sa pagpasok sa eskwela. Kahit papalapit na ang bakasyon para sa darating na pasko at bagong taon ay nagkaroon pa rin kami ng mahaba-habang talakayan. Lalong higit sa asignaturang agham, ingles kung saan nagkaroon naman kami ng mahabang pagsusulit, at lalong higit sa matematika kung saan ipinagpatuloy ko at ni Maestre ang pag-uulat.
Samantalang nagkaroon naman kami ng pagkakataong magpahinga nang sumapit na ang oras para sa asignaturang Edukasyong pagpapahalaga. Dito ay nagkaroon lamang kami ng pahapyaw na pagbabalik-aral. Gaya na lamang sa aming asignaturang Filipino kung saan nagkaroon din kami ng pagbabalik-aral at makling talakayan.
Nang matapos na ang aming klase ay diretso uwi na ako dahil kinakailangan ko pang bumalik para makapag-handa para sa aming gagawing presentasyon bukas. Inabot kami ng alas-tres ng hapon dahl pinilit naming pagandahin ang aming presentasyon. Matapos nga ito ay umuwi na rin kami ng sabay sabay at sa aking daan pauwi ay nakasalubong ko ang aking ina na kakauwi lang din mula sa aking tiyahin sa Cavite.
Nagkainan kami pagkauwi at nagkwentuhan na rin. Napuno din ng halakhak ang aming kabahayan dahil sa kwento naming kasiya-siyang talaga. Haay .. Nakakapagod ngunit napakasaya ng araw na ito. Salamat sa panginoon :)
Disyembre 17, 2013
Martes
"Pagpapala"
Tulad kahapon ay nagkaroon kami ng talakayan sa asignaturang agham, ingles na patungkol sa dati naming mga aralin at matematika naman na patungkol sa midpoint at distance formula. Habang sa asignaturang Mapeh naman ay nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit na patungkol sa aming aralin na alcohol. At matapos ang aming break time, ay ginugol na lamang namin ang aming oras sa asignaturang E.P sa pag-eensayo at paghahanda para sa aming presentasyon mamaya sa Filipino.
Grabe , nakakakaba ! Bigla atang umurong ang kahat ng lakas ng loob na inipon ko kahapon at nung mga nakalipas na araw. At sumapit na nga ang asignaturang Filipino at ipapakita na namin ang aming presentasyon. Kaakibat nito ay ang mga huradong sina Gng.Velasco,Bnb.Cabrera at syempre kasama pa rin si Gng.Mixto. Ayy patay na , kinabahan na ako xD
Nang matapos ang aming presentasyon ay kahit papano'y nakaramdam din ako ng kasiyahan at nag-usal ng maikling panalangin. Matapos ang presentasyon ng bawat pangkat ay nagpaalam na si Gng.Mixto kasama ang mga hurado. At sa sumunod na asignaturang T.L.E ay nagkaroon kami ng Hands-on activity kung saan kinumpuni namin ang tinatawag na RJ45.
Pag-uwi ko sa aming tahanan ay nagparamdam ako sa aking mga magulang para sa nalalapit na christmas party sa aming klase dahil wala pa nga akong gagamitin. Ngunit nakalulungkot na sabihin na wala nga daw silang maibibigay na pera sa amin dahil wala nga talaga. Inaamin ko na nalungkot ako at sumama ang loob dahil sa nalaman. Ngunit dahil nga ako'y pinagpapala ay bigla na lamang dumating ang aking tiya at sinabing bibigyan daw ako ng aking tito ng pambili ng gamit. Oh diba, ang saya saya !? Salamat muli sa panginoong diyos at ako'y kanyang pinagpapala !
Disyembre 18, 2013
Miyerkules
"Ang saya saya III"
Sobrang kasiya-siya talaga ang araw na ito. Mula sa talakayan sa agham, pagwawasto lang ng papel sa asignaturang ingles at matematika kung saan tinirintasan pa nga ni Gng.Santos ang ilan sa aking mga kamag-aral dahil wala na nga kaming gagawin hanggang sa mga pahabol na presentasyon sa Filipino. Thahaha grabe nakakatawa talaga ang mga presentasyon ng bawat pangkat at ngayon si Gng.Manlanit naman ang kasama ni Gng.Mixto sa pagmamarka.
Nang mag-uwian na kami ay dumiretso agad ako sa aking tiyahin upang kunin ang binigay nilang pera, gaya ng kanilang sinabi. At nang sumapit na nga ang ganap na ala-una ng tanghali ay pumunta na ako sa Marikina kasama ang aking pinsan na si Gwen at kaibigan na si Jess. Sabay sabay kami na mamimili at mamamasyal na rin.
Napaka-saya ng araw na ito at busog na busog pa kami sa mga pagkaing inilibre sa amin ni Jess. Wahaha solve , solve :) at dahil sa masayado kaming nalibang ay ala-sais na kami ng gabi nakauwi. Pero walang pagsisisi dahil naging masaya naman ang aming araw. Nalibang sa pamimili at pamamasyal, lalong higit sa pagkain .. Thaha xD
Disyembre 19, 2013
Huwebes
"Masayang nakakairita :/"
Okey , christmas party nanaman ! Wow , ang ganda ko ! charchar :p
Ayy grabe ang saya saya talaga ng christmas party namin. Mula sa pagkain, mga regalo at lalong higit sa mga palaro. Hayy .. Grabe ang saya saya talaga ! Sobrang na-enjoy ko ang araw na ito, Akalain mo yun itinanghal pa kaming panalo ni Romulo Tatac sa larong Apple eating. Grabe kahit sobrang nakakahiya, sobrang nasisiyahan pa rin kaming lahat.Grabe napakaraming palaro na lubos na ikinasaya ng lahat, pati na ng aming gurong tagapayo.
Matapos naming dumalo ng aking kuya sa kanya kanyang christmas party ay dumiretso na kami patungo sa Cavite at hindi namin inaasahan ang nangyari. Halos di mahulugang karayom mula pa lang sa estasyon ng tren sa Taft Avenue hanggang sa Baclaran at papunta sa harap ng simbahan nito. Ayy grabe .. Halos d na gumagalaw ang lahat sa sobrang dami ng tao ay kasabay pa nito ay ngakroon ng hulihan dahil sa mga illegal vendors na nakaharang sa mga daan. Tulakan doon,tulakan dito, siksikan doon at siksikan dito ng paulit-ulit na nagaganap nang mga oras na iyon. Pahirapan pa sa pagsakay kaya't napilitan kaming maglakad ng pagkahaba-haba at maghintay ng lagpas isang oras sa paghihintay ng masaksayang dyip.
At nang sa wakas ay makasakay na kami at makarating sa aming paroroonan ay hinarap ko naman ang katakot-takot na paltos sa aking paa . Hayy grabe talaga , okey na sana kaso hindi xD
Disyembre 20, 2013
Biyernes
"Swerte 'kuno !!"
Kaway kaway sa aking paltos sa pa xD
Isang napaka-gandang umaga para sa napaka-gandang si Kathleen .. Charchar :P
Ngayon ay nakatoka agad kami ng aking pinsan na si ate Gladys na magtinda sa datng pwesto ng aking tiyahin sa Pag-asa. Okey naman ang kita. Pasado alas-diyes ng umaga ay nagpasya na kaming dalhin ang ilang natirang paninda sa isa pang pwesto ng aking tiyahin sa La Joya, Mini Market sa Buhay na tubig. Ngunit sa di inaasahan ay hinuli kami ng pulis trapiko dahil may nilabag daw kami. At naipagpaliban naman ito dahil may sapat kaming dahilan ngunit ang naging malaki naming problema ay nang mpag-alaman na walang dalang lisensya ang aking pinsan lalo na at studyante pa lamang siya.
Tinawagan namin ang aming tiyahin at agad naman itong tumugon at sinundo kami. Hinayaan na niyang kunin ng mga ito ang motorsiklo namin at tutubusin na lamang sa Munisipiyo. Ito ay dahil sa mahirap kausap at paliwanagan ang maangas na pulis trapiko. Mabigat man sa aming kalooban ay hinayaan na lamang namin ito.
Matapos nga ang pangyayari ay sumaglit muna kami sa aming bahay na ilang nahay lang ang layo mula sa pinangyarihan ng unang sitwsyon. At di nagtagal ay pumunta na nga kami sa La Joya at dun na rin kumain ng tanghalian sa tindahan ng aking tiyahin. Ayy .. Nakalulungkot talaga ang nangyari . Pangako ! Hinding-hindi ko ito malilmutan ;(