Martes, Disyembre 10, 2013

Talaarawan (Ikatlong Linggo)

Nobyembre 04, 2013
Lunes

  Ngayon ay iniulat naman ng Pangat 2 ang ikatlong aralin na aming tatalakayin para sa mrkahang ito. Ang akda ay pinamagatang Sa pula , Sa puti mula sa panulat ni Francisco Soc Rodrigo. Ngunit bago ito ay nagkaroon muna kami ng pagbabalik tanaw sa huling araling aming tinalakay at isang maikling pagsusulit naman patungkol sa akdang Sa pula , sa puti. Nagbahagi rin ng larawan si Gng.Mixto upang introduksyon sa aming bagong aralin. At muli ting tinalakay ng pahapyaw ang 3 Kombensyong Sililoquy, monolog at aside.

Nobyembre 05, 2013
Martes

  Aming tinalakay sa araw na ito ang mga katagang ginamit sa akdang Sa pula, sa puti. Amin itong natukoy bilang Idioma ngunit hindi na namin ito masyado pang pinalawig. Sa araw na ito ay nagkaroon din kami ng pangkatang gawain kung saan ay kinakailangan naming bigyang reaksyon ang nasabing tauahn batay sa mga ibinigay na katanungan. Sa gawaing ito, naiatas sa aming pangkat na kilalanin si Sioning.


Nobyembre 06, 2013
Miyerkules

  Muli kaming nagkaroon ng pangkatang gawain kung saan patungkol ito sa mga kaisipang maaaring makuha o mai-ugnay sa akda. Kasama na rin dito ang epekto ng pagsusugal sa ating sarili, pamilya, at bayan na siya namang naiatas sa aming pangkat. Ang gawaing ito ay aming itinanghal sa pamamagitan ng pagsasadula.

Nobyembre 07, 2013
Huwebes

  Nagkaroon kami ng pagbabalik-aral kung saan ito ay patungkol sa pangkatang gawain na isinagawa namin kahapon. Tinalakay din namin ang problemang kinaharap ng mag-asawang Kulas at Celing. At sa huli ay nagkaroon naman kami ng pagsulat kung paano ba namin maiiwasan ang pagsusugal. Dito any sinabi ni Gng.Mixto na gawin daw naming kalibang-libang ang aming pagsulat at gamitan ng mga bullets para maisalaysay ang mga hakbang o puntong dapat nating tandaan.

Nobyembre 08, 2013
Biyernes

  Nasuspinde ang aming klase dahil sa bagyong Yolanda.

Panalangin:
http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/videos/2013-11-11/26379/Panalangin-para-sa-Pilipinas

Talaarawan (Ikalawang Linggo)


Oktubre 21, 2013
Lunes

  Ngayon ay iniulat ng pangkat 1 ang akdang Banaag at Sikat. Inumpisahan nila ito sa pahapyaw na pagkilala sa sumulat ng akdang ito na si Lope K. Santos. Matapos ang pag-uulat ng naatasang pangkat ay binigyang linaw naman ni Gng.Mixto ang ilang bahagi nito upang lubos naming maunawaan ang ano mang mensahe ng akda. Bago matapos ang aming klase sa asignaturang Filipino ay inatasan ni Gng.Mixto ang bawat pangkat na iulat ang nasabing gawain. Nagayon ay nag-ulat ang ang bawat pangkat patungkol sa iniatas sa aming gawain kahapon. Ang aming pangkat ay naatasang oaghambingin ang mga tauhang sina Talia at Meni. Pinaghambing ng aming pangkat ang dalawang tauhan gamit ang Venn Diagram mula sa panutong kaakibat ng bawat flash cards. Natutuwa ako at naging maayos ang aming pag-uulat atbnaging kuntento ang bawat isa sa aming mga kasagutan.

Oktubre 22, 2013
Martes

  Sa araw na ito nagkaroon kami ng pag-uulat patungkol sa inatas sa aming gawain kahapon. Matapos naming mag-ulat ay muli naming tinalakay ang mga paniniwala ng mga taujan sa akda. Dahil din dito ay nagkaroon kami ng takdang aralin kung saan aming kikilalanin sila Elias at Crisostomo Ibarra , mga tauhan sa akdang Nilo Me Tangere sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanilang mga katangian at paniniwala.

Oktubre 23, 2013
Miyerkules

  Nagayon ay nag-ulat ang ang bawat pangkat patungkol sa iniatas sa aming gawain kahapon. Ang aming pangkat ay naatasang paghambingin ang mga tauhang sina Talia at Meni. Pinaghambing ng aming pangkat ang dalawang tauhan gamit ang Venn Diagram mula sa panutong kaakibat ng bawat flash cards. Natutuwa ako at naging maayos ang aming pag-uulat at nging kuntento ang bawat isa sa aming mga kasagutan.


Oktubre 24, 2013
Huwebes

  Muli naming tinalakay ang mga tauhan na siyang tinatalakay na rin kahapon. Inalam na namin ang kanilang mga katangian, inalisa at pinag-hambing ang mga ito. Sa huli ay lumabas na may pagkaka-parehas ang katangian ng mga ito ngunit may iba-iba naman silang paniniwala at paninindigan, Tulad kahapon , hindi din namin natapos ang aming talakayan kaya inatasan kami ni Gng.Mixto na alamin na lamang namin ang kasagutan sa natirang mga katanungan sa pagbabasa namin sa aming kanya-kanyang tahanan.

Oktubre 25, 2013
Biyernes

  Ipinagpatuloy namin ang aming talakayn patungkol sa mga tauhng sina Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere at sina Delfin at Felipe naman ng Banaag at sikat. Habang tinatalaky namin ang katangian nina Elias at Crisostomo Ibarra ay may kataningang itinanong sa amin si Techon. Itinanong niya kung sino ba kina Ibarra at Elias ang namatay sa akda. Lumakas ang usapan kaya't marami sa aking mga kamag-arala ng na-intriga, may mga sumagot na si Elias daw ang namatay at may mga tumutol din naman dahil ang totoo ay si Ibarra daw. Nakakatuwang pakinggan ang mga pasaringang ng aking mga kamag-aral dahilhindi sila magkasundo sa iisang tumpak na pasya. Hindi nagtagal ay isinalaysay ng pahapyaw ni GngMixto ang buod ng Noli Me Tangere upang malinawan ang lahat at sa huli ay napag-alaman na si Elias ang namatay sapagkat nililo niya ang mga Guwardiya sibil at nagpanggap na si Ibarra upang matuon sa kanya ang atensyon ng mga ito, tumalon siya sa ilog at nakatakas naman si Ibarra mula sa mga ito.