Miyerkules, Marso 12, 2014

Rebyu (Pampelikuka at Basa) ^^

(Suring Pampelikula)
Bakit di ka crush ng crush mo? 
Direktor: Joyce Bernal

  "Do not assume for anything", ang linyang binitawan ni Alex Prieto na siyang tumatak ng husto sa aking isipan. Ito ay dayalogo mula sa pelikulang "Bakit di ka crush ng crush mo?" sa direksyon ni Bb.Joyce Bernal.
  Ang pelikulang ito ay pinangungunahan ng nagsasalaysay at siya ring gumanap bilang Taxi driyber na si Ramon Bautista. Binigyang buhay naman ito ng pinakabagong love team ngayong 2013 na sina Kim Chiu bilang Sandy Veloso ang babaeng sawi sa pag-ibig at Xian Lim bilang Alex Prieto ang CEO ng Recording Company kung saan nagtatrabaho si Sandy. Kasama rin sina Kean Cipriano bilang Edgardo Salazar, ang dating kasintahan ni Sandy, si Freddie Webb bilang Don Antonio ang llo ni Alex at si EJ Jallorina naman ang gumanap na Max Veloso, ang kapatid ni Sandy.
  Ang pelikulang ito ay pumapaksa sa isang babae na si Sandy na napagbago ng sawing pag-ibig. Inayos ang sarili, nagpaganda, nagpakatatag at natutong lumaban dahil sa pang-iiwan sa kanya ng kanyang kasintahang si Edgardo. Ngunit muli lamang nasaktan dahil sa muling pagkasawi sa pag-ibig dahil naman kay Alex.
  Nag-iiwan ang pelikulang ito ng di lang ng aral kundi bilang inspirasyon na rin. Ipinapakita ng pelikulang ito na hindi natin dapat lubos na damdamin ang ating mga kasawian at lalong hindi natin dapat sirain ang sarili dahil lamang dito. Sa halip, magsilbi itong leksyon at maging dahilan upang lalo pang magpakabuti at paunlarin ang sarili. Maganda ring panuorin ito ng mga kabataang tulad ko lalong higit ng mga taong nagmamahal upang matuto tayo ng leksyon mula dito.



(Suring basa)

  Isang kwentong nag-iiwang ng mensaheng "Hindi dahilan ang kahirapan saupang gumawa ng kamalian". Isang kwentong nagpapakita ng tunaya kalagayan ng isang pamilyang hirap sa buhay. Isang amang nawalan ng trabaho at piniling bumalik sa pagnanakaw a sumama sa kaibigan nitong si Pablo. Si Gloria ang ilaw ng tahanan at si Mario naman bilang haligi ng tahanan na hindi kayang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya. Lalo na ang kahilingan ng anak na si Cita na mabilan ng kahit isang pulang mansanas.
  Ito ay isang maikling kwento na nagmumulat sa mga tao sa realidad ng buhay, epekto ng kapaligiran at paghihirap ng isang ama.
  Sa kabila nito, dapat maisip at isaalang-alang pa rin natin ang tama kaysa mali. Ilan sa mga aral nito ang hindi dapat tayo magpatangay sa hirap ng buhay at maging matatag sa di paggawa ng mali. Sa halip, lalo pa tayong magpursige na paunlarin ang ating buhay sa wasto at mahusay na paraan.
  Isa itong napaka-gandang istorya na dapat lamang ibahagi sa iba, di lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga kabataan. Para maaga pa lang, malan na nila kung ano ang tama at mali sa gitna ng mga mahihirap at komplikadong sitwasyon.





Suring Pampelikula at Suring-basa ni Kathleen A. Sarsagat ^^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento