Biyernes, Marso 14, 2014

Talaarawan (Ika-dalawampung linggo)

Pebrero 28, 2014
Biyernes

"Luha ng kaligayan"

  Ngayong araw ay nagpunta kami sa Bahay Kalinga upang idaos ang aming Orphanage Visit. Bago iyon ay nagkaroon muna kami ng paghahanda ng mga presentasyon para sa mga bata doon. Habang papunta kami sa Bahay Kalinga ay umaapaw na ang tuwa sa aking puso dahil bagong karanasan nanaman ito.
  Pagpasok palang namin ay ramdam na ramdam na namin ang mainit na pagtanggap ng mga bata. Sa buong durasyon ng programa ay hindi maiwasang hindi ako maiyak dahil sa habag at kaligayan para sa mga ito. Maka-ilang beses tumulo ang aking luha para sa mga kaawa-awang batang iyon. Lalo na nung hindi ko na alam ang gagawin ko para lang sumilay naman ang ngiti sa labi ng isang paslit, nang bigla nalan niya akong yakapin ng mahigpit. Ewan ko ba, kakaiba ang dulot sa akin ng yakap niyang iyon. Anumang hirap ng pagpipilit kong pangitiin siya ay tila naglaho ng ako'y kanyang yakapin. Wala mang salitang lumalabas sa kanyang mga labi, nararamdaman kong maligaya siya sa aming pagdating. At napag-tibay lang iyon ng maki-usap siya sa akin na balikan at dalawin ko siya kahit paminsan. Ang batang  nagparamdam at nagpaunawa sa akin kung gaano ako kaswerte sa pagakaroon ng mga magulang at mga kapatid na makakasama habang buhay. Ipinapanalangin ko na mabigyan ako muli ng pagkakataon upang siya ay dalawin. Ang munting si Princess :)


Marso 01 2014
Sabado

"Ganado"

  Hayy .. Unang araw ng Marso at tila ba naging inspirado ako dahil sa mga nangyari kahapon kaya ito, ganadong ganao ako ngayong araw. Akalain mong naisip kong maglaba ulit ? Sabagay saturday is laba day nga diba ? Pero iba talaga eh. Look, hindi ako gumamit ng washing machine, sa halip, kinusok ko o mano mano ang ginawa kong paglalaba dito. Ako na rin mismo ang nagbanlaw, nagsampay at nagtupi ng mga iyon. And once more, 3 Portpolyo ang natapos ko ngayong araw. Iyon ay sa mga asignaturang Ingles, Values at AP.
  Ang kaso, sa hli ay tinablan pa rin ako ng pagod kaya ayon, bagsak. Natulog na matapos ang mga nasabing gawain. Ginising lang ako ni mama nung magha-hapunan na at bumalik na muli sa pagkaka-himbing XD


Marso 02, 2014
Linggo

"Eagerness"

  Nakakatuwang isipin na pati Sunday ay ginawa ko na ring Laba Day. Ang ipinagkaiba naman ay ipinaglaba ko ang aking tita. Iyon nga ay dahil sa kagustuhan kong maka-sama sa Astro Camp sa ika-labingapat ng Marso. Dahil kasi dito ay bibigyan daw ako ni Tita ng isangdaan. Oh diba, eighty pesos nalang ang kulang. Nagkakahalaga kasi iyon ng P180.00.
  Pero sympre bago iyon ay nagsimba muna ako kasama ang aking kapatid. Ang base nga sa sermon ng pari "Hindi natin kailangan mangamba kung mayroon tyong malakas na paniniwala sa Panginoon". Dahil doon ay napa-isip ako at mula nga sa araw na ito ay iniwasan ko nang mangamba dahil nais kong magkaroon talaga ng malakas at totoong paniniwala sa Panginoon.
  Sa araw rin na ito ay inayos ko ang aking portpolyo sa TLE at ang portpolyo ko rin sa Filipino kung saan ito ay naglalaman ng mga akdang aming tinalakay sa bawat markahan. Habang nagpapahinga naman ako ay tinapos ko nang tupiin ang mga damit na hindi ko natapos ayusin kahapon.

Marso 03, 2014
Lunes

"Tawag ng tungkulin"

  Maaga akong pumasok sa araw na ito upang makiisa sa pagdaraos ng nakagawian na naming flag ceremony. At nakakatuwa nga dahil sa unang pagkakataon ay nakatanggap kami ng parangal bilang may pinaka-malinis na silid aralan. Thaha isang napalaking-himala XD
  Na-good vibes ata masyado ang aming adviser kaya ayon, di kami masyang nag-lecture sa halip pinag-usapan nalang namin ang patungkol sa nalalapit na Youth Camp sa Iba,Zambales at Astro Camp naman sa susunod na biyernes.
  Samantala, excuse kami sa asignaturang AP dahil sa tawag ng tungkulin, at obvious naman na manghihingi nanaman kami ng abuloy. Ngayon na nga rin sana ang aming pagsusulit sa Filipino ang kaso, wala si Gng.Mixto kaya wala kaming ginawa ngayong araw sa Filipino. Ipinagpatuloy na lamang namin ang aming tungkulin hanggang sa sumapit na ang TLE at wala din naman si Bb. Hannah.


Marso 04, 2014
Martes

"Kababaihan"

  Ngayon namin ipinagpatuloy ang naudlot na pagsusulit kahapon. Ito ay patungkol sa Teoryang Feminismo at sa 4 na babae sa loob ng nobelang Noli Me Tangere. At yun ay sina Maria Clara, Donya Victorina, Donya Consulacion at Sisa. Matapos naming iwasto ang aming pagsusulit ay tsaka pa lamang namin tinalakay an patungkol dito. Kumbaga, pre-test ang labas niyon.
  Samantala, maaga naman akong umuwi ngayong araw na ito upang makatulong sa aking ina na magbubukas ng tindahan. Tindahan ng halo-halo. Wow sarap ! Kami ang binigyan ng free taste. Thaha XD

Marso 05, 2014
Miyerkules

"Taong bahay"

  Wala nanaman kaming pasok sa araw na ito dahil sa kung anong kadahilanan. Kaya naman, taong bahay nanaman ang ganap ko. Naglinis na bahay, naglaba, nag-alaga ng kapatid at gumawa na rin ng tula sa chemistry. At ilan nga sa mga gawaing nabanggit ay kadalasan ko namang ginagawa kaya wala gaanong bago. Except ang paggawa ng tula sa chemistry na lubos na nagpa-dugo sa aking utak. Thaha nakakaloka ha XD


Marso 06, 2014
Huwebes

"Pagbabalik-alaala"

  Sa aming asignaturang Filipino ay nagbalik aral lamang kami patungkol sa mga nakaraan naming aralin. Kasunod nito ay isang gawaing pandalawahan kung saan kailangan naming tanungin ang isa't-isa batay na rin sa mga ibinigay na katanungan ni Gng. Mixto. At ang nasabing gawain ay patungkol nga sa isang paboritong palabas o kwento na aming nabasa o napanood.
  Dahil sa nasabing gawain ay parang dam na muling nabuksan ang aking utak sa pagdaloy ng mga alala ng isa sa pinaka-paborito kong babasahin. Ito ng ay pinamagatang When Izen takes charge na nakalimutan ko nga lang kung sino ang author. Actually isa yun sa pagkarami-rami nang pocket book na aking nabasa. Pero iyon talaga ang tumimo sa aking  utak.
  Pag-uwi naman sa bahay ay ginawa ko ulit ang mga bagay na kadalasan ko namang gawin tuwing may eskwela at ngayon ko din inilipat ang laman ng aking portpolyo sa values sa aking kwaderno, gaya na rin ng sabi ni Gng.Uy.

Talaarawan (Ikalabing-siyam na linggo)

Pebrero 21, 2014
Biyernes

"Wala ng demo XD"

  Yehey ! Balik na sa dati ! May regular na talakayan na ukit kami sa aming mga asignatura para sa araw na ito. Ang kaso puro naman pagsusulit. Thaha tama talaga ang naging desisyo ko kahapong mag-self-study. Biglaan kasi yung mga pagsusulit namin eh. At ito ay sa mga asignaturang Agham, Ingles, at Matematika. Samantala sa MAPEH naman ang gumawa kami ng art kung saan nagsulat kami ng kung ano mang salitang aming ibigin gamit ang heiroglyphics o alibata. At ang inilagay ko nga doon ay "Kath Loves God".Sa asignaturang Filipino naman ay tinalakay namin ang isang bahagi ng Kabanata ng Erehe at Filibustero. Matapos niyon ay nagkaroon din kami ng gawain na nagsilbi na rin bilang aming takdang aralin dahil sa kinapos na kami sa oras. Sa TLE naman at AP ay balik na rin kami sa talakayan at inumisahanna nga namin pag-aralan ang patungkol sa populasyon.
  Ngayong araw din ay maaga akong nakauwi. Ginugol ko naman ang aking oras a pag-aalaga ng makukulit kong mga kapatid, paglilinis ng bahay. Syempre pagkain at pagtulog narin Ang hirap kayang kumilos pag-gutom ! Thahamay masabi lang teh ? XP


Pebrero 22, 2014
Sabado

"Burger"

  Ngayon araw, pass muna ko sa paglalaba. Dahil ang inasikaso ko naman ay ang pagsasa-ayos ng aming dresser, at katulong ko sa pag-aayos nito ang aking ina. Kinatanghalian ay pumunta si Jess sa aming bahay gaya na rin ng hiling ni mama na magdala siya ng burger. Thaha naniwala ang mokong xD Dahil doon ay ipinagluto naman siya ni mama ng miryenda na ginataang saging na may langka. Grabe busog talaga ako pagkasama ko kahit isa lang sa dalawang ito. Maya maya ay nagpasama naman ako kay Jess sa Siruna upang komopya ng mga tanong sa aming takang aralin sa Ingles sa aking kaklase. Hindi ko kasi natapos kopyahin yung context na gagawan namin ng precise Eh.
  Samantala, napasarap ang aming kwentuhan kaya naman gabi na nang makauwi si Jess. Buti nalang di siya napagalitan ng mga magulang niya. Sa susunod sana ulit XD


Pebrero 23, 2014
Linggo

"Kapalit"

  Hayy ! Naku hindi ako nakapag-simba ngayon. Nakakalungkot talaga ;(
Anyway, highway ! Dahil sa semi-hayahay ako kahapon, ngayon ko naman inasikaso ang mga nabitin kong gawain kahapon. Syempre una na dun ang aking mga takdang aralin, sumunod ay ang mga labahin. Grabe, parang ilang  araw lang naman ako hindi nakapag-laba pero bakit ganito karami? Ano na-miss ako ng labahin ganun ? Thaha keme lang XD
  Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nagawa ko pa rin namang mag-pahinga. Actually mula nung natulog ako nang ala-una ng tanghali, ala-sais na ko ng gabi magising. Thaha bawi diba ? Tapos pag-gising ko pa, kay sarap-sarap ng ulam. Hayy.. Solve solve XD


Pebrero 24, 2014
Lunes

"Let go"

  "Ang araw kung saan kinakailangn ko ng malawak na pag-iisip, pag-unawa, pagtanggap at paglimot"
Hayy .. Ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang may magsasabi niyon sa akin. Sa tingin ko naman ay nakitungo ng maayos sa bawat isa at naging totoo sa kanila. At alam ko rin sa sarili ko kung gaano pinahalagahan, pinag-sikapan at pinagtuunan ng oras ang aking pag-aaral.
  Moving on.. Sinagutan na namin ang mga naiwan naming katanungan sa asignaturang Filipino na may kaugnayan pa rin sa huling kabanatang aming tinalakay. At yun nga ang kabanatang pinamagatang "Mga Sakristan". Amin din sinuri ang nasabing bahagi ng kabanata sa pamamagitan ng mga katanungang ito,pati na rin ng teoryang nakapaloob dito. At yun nga ang teoryang Naturalismo.
  Matapos ang klase ay agad akong umuwi kasama ko ang aking matalik na kaibigan na si Christian Yadao at di ko napigilan ang agos ng luha mula sa aking mga mata. Salamat at sa oras na iyon ay naging seryoso siya at nakita ko ang pagka-habag niya sa akin sa kanyang nalaman.


Pebrero 25, 2014
Martes

"Lakas"

  Wala kaming pasok sa araw na ito dahil sa ngayon ay "People Power Revolution Day". Kaya naman ginugol ko ang aking oras sa paggawa ng mga gawaing bahay na kadalasan ko naman talagang ginagawa. Nakakatuwa nga at muli kaming nasama-samang buong pamilya sa isang buong araw. Tuwing martes lang kasi ang day-off ni papa, samantala may eskwela naman ami ni kuya sa ganitong araw. Sabay sabay kaming kumain mula umagahan, tanghalian, miryenda at hapunan.
  Habang gumagawa nmg mga gawaing bahay ay sinaliwan namin ito ng radyo. Sabay na kumakanta sa mga pamilyar na awitin at sama sama ring nakinig ng programa sa Yes FM. Kung saan itinatampok ang istorya ng isang babaeng kakikitaan ng malakas na karakter. Kung saan dahil dito ay na-under na niya ang kanyang asaw at nasira ang kanilang pamilya. Di rin pala maganda pag dumating sa puntong mas malaki na ang nai-aambag na pera ng isang babae sa kanyan pamilya kaysa sa asawa nitong lalaki.


Pebrero 26, 2014
Miyerkules

"Ay ! Eksena !"

  Sa hindi inaasahan ay nagkaroon uli ng demo sa kalagitnaan pa mismo ng aminmg talakayan sa asignaturang Filipino. Bitin na nga, pinaghanda pa kami ni Ma'am sa isang pagsusulit sa lunes sapagkat wala kaming pasok bukas at sa biyernes. But i get her point naman, kasi nga naman, sa dinamiraming demo na isinagaw, hindi na kami nagkakaroon ng talakayan sa Filipino. Lalo na sa ngayon kung kailan pa papoalapit na ang aming mga pagsusulit.
  Samantala, bilang isa na nga po ako sa opisyales ng SSG ay naatasan kaming muling mag-ikot upang mangolekta ng donation para sa isa naming kamag-aral na namatayan. Pauwi na nga sana kami dahil agad naman naming natapos ang nasabing gawain kaso naudlot pa. Nakisama kasi kami sa meeting ng group ni G.Ferrer dahil kabilang nga dun ang kasabay ko pauwi na si Jason. Nang bigla nalang isuhestyon ni G.Ferrer na kami daw ni Jared ang magsilbang tauhan sa gagawi nilang dokumentaryo. Ayy .. Nakakahiya mang aminin, pero talagang nasabik ako sa sinabi ni G.Ferrer. Sa totoo lang kasi ay mula pa 1st year ay kaklase't malapit na kaibigan ko na si Jared at marahil dahil doon ay naging crush ko na siya. Gosh .. Sekreto lang toh ha XD


Pebrero 27, 2014
Huwebes

"So Inlababo <3"

  Ayy ... Shooting na ! Agad agad ! PBB Teens lang ang peg ?
Ayon na nga shooting na namin para sa dookumentaryo nila G.Ferrer. Hayy .. Muntik pang magka-lets*-lets* ang shooting namin dahil alas-nuwebe na nang umaga nagising si Jared, samantalang ala-syite ang aming usapan. Pero okey lang din naman kasi 8:30 na rin ako nakarating eh, naka-problema kasi sa bahay.
  Anyway, napaka-saya talaga ng araw na ito. Pano ang landi landi kasi ni Jared. Kahit wala sa script ginagawa pa rin. Lalo tuloy akong kinilig, tila ba nanunukso pa siya. Lalo na nung binigyan niya ako ng bulaklak ng di inaasahan. Shaks .. I love flowers pa naman XD
  Matapos iyon ay umuwi na ako, ihahatid pa nga daw sana niya ako kaso hinila na siya ni Melo para maglaro ng Dota. Sayang mamen >,< Iniipit ko nalang sa isang libro ang binigay niya sa aking bulaklak. Doon ko nga napag-tanto na iyon na pala ang ikalawang bulaklak na ibinigay niya sa akon. Una, red roses at ngayon ay white flower naman. Ayy nakaka-inlababo si Mokong XD

Huwebes, Marso 13, 2014

Talaarawan (Ikalabing-walong linggo)

Pebrero 14, 2014
Biyernes


"A night to remember"

  Gosh .. Eto na toh mga Ate xD
Pero bago ang lahat, muli akong nagtungo sa anming paaralan upang makipag-usap kay G.Inahid patungkol sa aming magiging partisipasyon sa JS Prom. Noon ay di ko inaasahang nandun si Jess, pero okey na rin kasi may makakasabay na ako pauwi. At nang makauwi nanga ako ay nagsimula na akong maghandapara sa  prom. Di kalaunan ay nagtungo na kami sa inarkila na mama na mag-aayos ng aming mga buhok. Pumunta rin ako kila Rica para makita ang kanyang susuotin dahil malapit lang naman ang bahay nila mula sa aming pinuntahan. Sandali muna akong kumain ng tanghalian at pumuntanaman sa taong magme-make up sa akin. Grabe, first time kong maahitan ng kilay ha. Mangiyak-ngiyak nga ako eh, kasi ayaw ko talaga. Pagkauwi ay nagbihis na ako ang pumunta na sa aming paaralan na paggaganapan ng nasabing prom. Hayy .. isang napaka-sayang gabi na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.


   Photo  

   

 Photo



(Yung mga nangayari nung Prom, ihihiwalay ko nalang at gagawan ko ng bagong post :D)


Pebrero 15,2014
Sabado

"Tumba XD"

  Thaha sa sobrang puyat nung nakaraang araw, alas-tres ng hapon na ako muling nagising. Hayy .. Ramdam na ramdam ko ang puyat kaya naman kumain lang ako. Sandali ring nakipag-kwentuhan kay mama tungkol sa mga nangyari at muli na ngang nagpahinga.


Pebrero 16, 2014
Linggo


"Bawi bawi din XD"

  Dahil sa wala nga akong nagaw kahapon, ngayon naman ako bumawi. Naglaba, nag-alaga ng kapatid at naglinis ng bahay. Kasabay niyon ay ang walang katapusang pagku-kwento ko kay mama patungkol sa mga nangyari nung JS Prom. Grabe yung kilig ko habang nagku-kwento. Hindi maalisang ngiti sa aking mga labi. At alam kong ramdam din ng aking ina kung gaano naging kasaya at maganda ang gabing iyon na kailanman ay hinding hindi ko makakalimutan. Lalo na yung parte kung saan ako ang apili ng searchie at yung entorage naming mga representative kasama a rn yung pagbibitaw ko ng speech. 
  Hayy grabe ! Kung alak lang siguro ang gabing iyon, malamang nalunod na ko sa alak ng kaligayahan. Ano daw? Thaha xD


Pebrero 17, 2014
Lunes


"Teasing"

  Hayy .. Gaya ng inaasajan, marami nga ang nang-asar sa akin patungkol sa nangyari nung prom. At isa na nga doon si G.Mixto na kinikilig-kilig pa habang nang-aasar. Thaha ang kulit ni Sir eh, di maka-get over, bawat makikita ako asar ng asar, baka daw kami na ni Jared ! Thaha ipinagpalit ko na daw ba si Tatac ? xD
Samantala, wala kaming leksyon ngayon sa aming mga asignatura saoagkat ginamit ang aming klase para sa pagde-demo ng mga teacher applicants. Grabe, ang cute nung isang aplikante, Si Mr. Olayvar, Chemistry teacher. Ang gwapo sana kaso mukang bakla naman ata. SAYANG ! :(
  Ngayon din ay nag-umpisa naang aming tungkulin bilang mga SSG Officers dahil inatasan na kami ng aming presidentena kami na daw ang mangolekta para sa abuloy o tulong sa aing kaeskwela.


Pebrero 18, 2014
Martes


"Naudlot"

  Hayy sayang naman naudlot pa yung magandang presentation namin sa values. Grabi ang dami naming tawa sa kakulitan ng mga gumanap na tauhan sa presentasyon ng group 2 sa Values. Akalain mo yun si Jahaziel, nagladlad. CONFIRMED ! Thaha peace tayo bess :)
  Ang dahilan niyon ay ang muling paggamit sa aming klase para sa pagde-dem ng mga teacher applicants. Hayy .. Eh kung araw-araw ba naman ganito, hayahay ang buhay ! Marka naman ang patay XD Sana matapos na agd yung ganitong demo para makapag-talakayan na ulit kami sa ibang asignatura. Lalo na ngayon at nalalapit na ang maraming pagsusulit kaalinsabay ng pagtatapos ng school year na ito. 


Pebrero 19, 2014
Miyerkules


"Chocolates"

  Ngayon ay wala na naman kaming klase sa iba naming asignatura dahilmay demo nanaman. Pero ang magnda dito, ang mga nagde-demo ngayon ay may ibinibigay na prize sa amin. At yun ay chocolates, Thaha tyagsawa kami sa chocolates eh, pati sila Sir Raro. And take note ! Nakaptagpo si Sir Raro ng bagong pag-ibig sa katauhan ng isang aplikante. Isang chemistry teacher. Thaha keme lang yun ! Basta kami flower girls xD
  At kaiba kahapon, ngayon ay agad akong umuwi at ginugol ang oras sa pagpapahinga. Mukhang may hang-over pa ata ako mula sa JS na nagdaan. JS nanaman ! XD

Pebrero 20, 2014
Huwebes


"Demo ulit"

  Sa Agham ay nagwasto lamang kami ng mga gawaing naiwan namin kahapon. Sa Ingles naman ay tinalakay namin ang patungkol sa Precis. At ang huli naming asignatura mula pa nung lunes ay ang Matematika kung saan nagkaroon kami ng individual recitation.
  At gaya nga ng pamagat ko. Demo nanaman ulit ! Pero huli na ata ito kaya baka bukasbalik naulit sa dati. May leksyon at talakayan na ulit sa lahat ng subject ! Ang saysa saya XD
  Dahil sa puro nalang demo, napagpasiyahan kong gugukin ang oras ko sa pagbabalik-aral at advance reaing na rin para naman di ako manganga pag may regular na klase na ulit kami.

Talaarawan (Ikalabing-pitong linggo)

Pebrero 07, 2014
Biyernes


"Araw ng pagtatalaga"

  Pagtatalaga ? Ano daw ? Thahaha :D

Anyway, ngayon na nga ang araw kung saan boboto na ang mga estudyante o pipili ng mga kandidatong kanilang naiibigan. Nang pagkakataon na ng aming klase na bumoto ay pinalabas kami ni Ate Claudete bilang parte na rin ng aktibidad. Habang nasa labas kami ay nanalangin kami kasama na ang ilan sa kabilang grupo. Nagkantahan habang naggigitara. Iyon ang aming paraan upan kahit papaano ay mabawasan ang tensyon sa aming kalooban.
  Ang mga sumunod na asignatura ay biglang nagpagimbal sa amin nang di inaasahang bigyan kami ng pagsusulit. Buti nalang at may naalala ako sa mga huli naming tinalakay. Sa asignaturang Filipino naman ay muli kaming nagkaroon ng pagsulat na gawain kaugnay sa huli naming tinalakay na akda na pinamagatang "Bangkang Papel" mula sa panulat ni Genova Edroza-Matute. Kung saan gumawa kami ng liham na naglalaman maaari ng panalangin o hiling sa pangulo ng bansa patungkol sa kalagayan ng mga taong naiipit sa gitna ngmga digmaan.
  Matapos ang klase ay nagkita-kita muna kaming magkaka-grupo at sandaling nag-usap-usap. Pinalakas ang kumpyansa ng isa't isa at nanalangin ng sama-sama.

Pebrero 08, 2014

Sabado


"Cocktail Dress 101"

  Maaga pa lang ay naghanda na kami upan magtungo sa Divisoria at bumili ng aming mga kakailanganin sa nalalapit na JS Prom. Inabot kami doon ng maghapon sa paghahanap ng Cocktail dress na bibilhin. Naparaming magaganda ngunit kinakailangan naming isaalang-alang ang naiatas sa aking kulay ng damit kaya naman medyo nahirapan akong makapag-pasiya. Kinatanghilian ay nagtungo kami sa food court ng 168 Mall upang mananghalian. Matapos niyon ay nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa alibot na nga namin ang apat na magkakalapit na establisyamento.

  Sumapit na ang alas tres ng hapon at noon lang kami nakatagpo ng aming mga susuotin. Matapos niyon ay nagtungo naman kami sa isang Jewerly Shop pang bumili ng gagamitin naming alahas.
  Ngunit hanggang sa makauwi na kami ay naging malamig ang aking pakikitungo sa aking ina,pinsan at tiyahin dahil hindi ko nagustuhan ang pinagbibili nila sa akin. Partikular na nga ang cocktail dress na anumang pagsalungat ko ay binili pa rin nila. LAlo pang nag-alab ang aking sama ng loob nang sabihin ng dalawa ko pang iyahin na pangit ang aking cocktail dress samantang maganda't elegante naman ang sa aking pinsan. Di ko natanggap ang sinabi nilang iyon kaya nag-walk out ako at umuwi sa bahay. Di kalaunan ay sumunod ag aking ina a nakita ang luha sa aking mga mata. Nagsisi at nangakong bibilan na lamang niya ako ng bago. Babalik kami doon bukas upang makapili ako ng gusto kong susuotin. Napaka-laking panghihinayang at pagsisisi ang kanyang naramdaman sa desisyong kanyang ginawa ng bilhin ang dress na iyon.

Pebrero 09, 2014

Linggo
"Cocktail dress 102"

  Muli nga kaming nagtugo sa Divisoria, ipinalit na lamang namin ng coat ang nasabing cocktail dress at muling buli ng panibago. Tamang tama dhil kakailanganin din iyon ngaking kuya na nasa ika-apat na taon na sa hayskul. Tumagal din ang pamimiling iyon tulad kahapon ay hapon na kaming akauwi. Ipina-fit pa kasi namin ang naibigan kong kasuotan para naman lumapat at sumakto iyon sa aking pangangatawan.

  Kinagabihan ay lubos akong nasiyahan nang ang papa ko mismo ang tumulong sa akin upang muli iyong isukat at nang sabihin niyang bagay daw sa akn ang aking dress. Nakakatuwang siya pa mismo ang nagtali ng laso sa aking likod at magsuot sa akin ng gagamiting kong sandalyas. Piling ko bay ako ay isang prinsesa ng aking Amang hari at Inang reyna. Sana lagi nalang ganun. Lagi kaming masaya na lagi nila akong sinusuportahan at inaalalayan na parang isang tunay na prinsesa. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito lalo naang naging pag-uusap namin nila mama at papa.

Ako: Papa diba sa martes po day off mo ?
Papa: Hindi anak.
Ako: Ha ? Eh di ka po magdi_day off?
Papa: Magdi-day off, sa biyernes.
Mama: Biyernes ? Bakit, may pupuntahan ka nanaman ?
Papa: Hindi, syempre titignan ko yung dalaga at binata ko. Ihahatid ko pa sa school. Hindi ako papayag nahindi ako yung escort ng dalaga ko ha .

   Ayy .. So touching .. I love my Papa & Mama . I love my family <3

Pebrero 10, 2014
Lunes

"Gulat"

  Sa asignaturang Filipino ay ipinanuod sa amin ng aming guro na si Gng.Mixto ang isang pelikulang nagbibigay-buhay sa mga karanasan at sa mismong buhay ni Dr.Jose Rizal. Mula kanyang pagkabata, sa kanyang payapang pakikibaka para sa bayan, hanggang sa kanyang kamatayan. Marami sa amin ang nagulat at nahabag sa dating kalagayan ng ating bansa. Kung paano inalipin, pinagmalupitan at pinahirapan ang ating mga kababayan sa panahong ito na nasa ilalim tayo ng kapangyarihan ng Spanya. At ipinakita rin dito kung paano niya ginamit ang mga iyon sa kanyang mga akda tulad halimbawa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Samantala, hindi namin nagawang tapusin ang panunuod sa pelikulang ito kahit pa nga ba ginamit na rin namin ang oras ng aming TLE Subject.
  Matapos nga iyon ay agad akong umuwi, and for the first time naunahan ko sa pag-uwi si kuya na ikinagulat naman ng aking ina. Thaha sobra akong natuwa sa kanyang naging reaksyon pagkakita sa akin. Ngunit ang lalong nagpa-gulat sa aking ina ay nang ibalita ko sa kanya na nanalo ako bilang 4th Year Representative ng SSG. Sobrang saya ko dahil sa kaalamang ito at ipinagdiwang ko ito kasama di lang ang aking mga ka-grupo kundi pati na rin ang aking mama at kuya. At ang natitirang oras nung araw na iyon ay ginugol ko sa pagpapahinga at pag-aaral ng aming mga leksyon.

Pebrero 11,2014
Martes

"Selfie no.1"

  Ngayon araw pinal na inanunsyo ang mga nanalo sa nakalipas na botohan. Nakakatuwang malaman na lahat kami sa Grupong SELFIE ay nagwagi. Walang labis at walang kulang :)
  Samantala, ngayon namin ipinagpatuloy ang nabitin namin panunuod kahapon patungkol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal. Di man namin ito talagang natapos pero ang hindi lang naman namin napanuod ay ang mismong pagpatay na kay Rizal. At dahil nga kulang na sa oras, di na ito naipaliwanag pa ni Gng.Mixto.
  Nang matapos ang klase ay dumiretso na kami sa palengke upang bumili ng mga angkap sa pansit na aming ipapakain bilang blow out. Napaka-saya ng aming naging pagluluto kila Mark kung saan habang nagluluto sila ay pinapapak naman namin ni Jana ang sahog. Thaha buti nga at hindi naubos Eh xD Kasabay nito ay pinanuod din namin ang pelikulang Boy, girl, bakla, tomboy kung saan ito ay pinagbibidahan ni Vice Ganda. Nang mailuto at maihanda na namin ang pansit ay bumalik na kami sa school. Dito ay ibinigay namin ang isang bilao sa Principal upang pagsalu-saluhan nilang mga guro. Habang kami naman ay nagsalo-salo sa isa pang bilao kasama ang iba pa naming mga kaibigan at mga opisyal ng SSG. Pag-uwi ay masaya ko itong ikinuwento sa aking ina at natuwa rin naman siya sa kaalamang ito.

Pebrero 12,2014
Miyerkules

"Table Tennis"

  Sa asignaturang MAPEH ay nagkaroon kami ng first eveluation ng larong table tennis. Maganda na sana kaso epic yung mga kaklase ko Eh. Ang iingay kasi kaya ayon, nagalit tuloy sa amin sa Ma'am Cerillo at di na namin ipiagpatuloy pa ang paglalaro. Samantala, sa asignaturang Filipino naman ay bahagyang ipinaliwanag sa amin ni "Gng.Mixto ang ilan sa mga pangyayari sa pelikulang aming pinanuod at sinimulan na rin naming talakayin ang patungkol sa mga teoryang matatagpuan sa kloob ng nobela. Una na nga dito ay ang teoryang klasisismo kung saan muna kami nag-pokus.
  Nang matapos ang klase ay hindi agad ako nakauwi sapagkat nag-usap-usap muna kami ng aking mga ka-grupo ng kung anu-anong bagay. Di pa rin kasi kami maka-get over sa pagkapanalo xD

Pebrero 13, 2014
Huwebes

"Isang tulog na lang"

  Ayiiee .. Super excited na ko para sa JS bukas.. Shakkss .. Hindi na ko makapag-hintay xD
Gaya ng sinabi ko, super excited na ko kaya naman ayon, todo paganda na. Nagpa-foot spa, manicure & pedicure, sumubok na nga rin kami ng kung anu-anong ayos ng buhk na babagay sa akin Eh. At sa huli, napag-kasunduan na ipapa-curl nalang daw ang buhok ko. Asus , piling maganda tuloy ako xD
  Hayyttss .. Pero bago yun syempre ang tinalakay naman namin sa Filipino ay sinuri na muna namin ang mga bahagi sa nobela na nagpapalutang sa teoyan klasisismo na binigyang-kahulugan namin kahapon,.
  Shakkss .. I can't wait any longer XD

Talaarawan (Ikalabing-anim na linggo)

Enero 31, 2014
Biyernes


"SO BLESSED"

  Trip to Cavite Day !
Enggg ... Hindi pala ! Nag-init kasi ang ulo ng aking ina dahil sa katigasan ng ulo ng aking kuya. Kaya ayon, imbis na gogora na kami, di pa natuloy. Sayang, na-sabik pa naman akong pakipag-chikahan sa aking Ccambal. Ayttss Epic >,<
  Moving on .. Okey rin naman pala na hindi kam natuloy ni Kuya sa Cavite at dahil wala rin naman kaming pasok sa eskwla ngayon. Nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-audition para sa Thespian Guild. Grabe ang mga naranasan ko sa pago-audition na iyon. Dumating sa puntong umayik na ako sa panghihina ng kalooban pero dahil sa suporta nila Nanay Erin at sa pagnanais ko sa ganitong uri ng larangan. Nagbunga naman ang kahat ng aming paghihirap ng isang magandang gantimpala. Isa ako sa 7 napili bilang aktor/aktres out of so many individual. Natapos ang audition niyon sa ika-ala-sais ng hapon kung saan napagilan naman ako ng aking papa. Pano ba naman, nauna pa siyang makauwi mula sa trabaho kaysa sa akin. Thaha okey lang worthy naman. Thank you Lord :)

Pebrero 01, 2014
Sabado


"Hi Feb-ibig !"

  Ngayon ang unang araw ng Pebrero at ilang tulog nalang JS PROM NA ! Di naman ako excited eh noh ? Thaha sorry po ... :D
  Gaya ng nakagawian, SATURDAY is LABA DAY ! Kaya eto, laba laba din at habang naglalaba ay sinimulan ko na ring ayusin ang aking portpolyo sa asignaturang Ingles. Kahit pa nga ba malayo-layo pa ang pasahan ay ihahanda ko na ito. Para naman di ako magahol sa oras. Matapos iyon ay muli ko nanamang inalala ang paborito kong pelikula na pinamagatang The Black Swan. Iyon kasi ang gagain kong halimbawa ng isang pelikulang kakikitaan ng pagsusuring saykolohikal. Amin itong takdang aralin sa asignaturang Ingles. Pinilit ko na ring tapusin ang mga naka-atas sa aking gawain para buong sabado't linggo para naman bukas, HAYAHAY ANG BUHAY :D

Pebrero 02, 2014
Linggo


"HAYAHAY  !!!"

  Ngayong araw lang ata ako nawalan ng gagawin ah. Gaya nga po ng sinabi ko, WALA AKONG GINAWA ngayong araw na ito kundi kumain at matul;og. Kung ganito ba naman araw-araw eh, HAYAHAY ANG BUHAY .. Yes FM lang ang peg ? Thaha God bless :)

Pebrero 03, 2014
Lunes


"Kaibigan"

  May pasok na ulit, balik na sa dati :)
Sa aming asignaturang Filipino ay muli naming binalikan ang huli naming aralin patungkol sa Pagsusuring Saykolohikal. At mula nga dito ay nagkaroon kami ng pagsulat na gawain kung saan ilalarawan namin o bibigyang dahilan ang ga pagbabago, pag-uugali at pagkilos ng aming pinaka-malapit na kaibigan batay pa rin sa nasabing pagsusuri. At dito ay napili kong ilarawan ang aking pinaka-mamahalna Buang na Ccambal. Thaha mahal daw tapos inaaway naman :D
  Dalawang araw bago ang nalalapit naming pangangampanya .. Lahat kami ang nasasabik dito.Pero sa kabila niyon, di pa rin maikakaila ang kaba sa puso ng bawat isa lalo pa't bukas naman ay magkakaroon kami ng screening na pangungunahan pa rin ng opisyales ng SSG(Supreme Student Governmet) bilang bahagi pa rin ng nasabing aktibidad. Samantala, sa aming ensayo ngayong araw ay kasama na namin ang ilan sa mga opisyales ng SSG upang kami ay bantayan at obserbahan na din. Hayy .. Lalo tuloynapuno ng kaba ang aking puso. Buti nalang at bilang magkakaibigan ay dinamayan namin ang isa't-isa at syempre , sabay sabay na nalnalangin upang kahit papano ay mapawi ang kaba sa aming mga puso.

Pebrero 04, 2014
Martes

"Screening"

  Tila ba nagpatong-patong ang kabang lumukob sa akin. Nang sa asignaturang Agham ay nag-ulat na nga ako kasama ang aking kama-aral na si Lovely. At di ko inaasahang hindi pa pala siya handa kaya kinakailangan kong mag-adjust at akuin ang kanyang iuulat. Sa asignaturang Filipino naman ay binigyan naming kahulugan ang ilan sa mga ibinigay na salita ni Gng.Mixto, ngunit bago yun ay bumunot muna siya ng pangalan ng isa sa amin na magbabahagi ng nagawang tula. Buti at hindi ang pangalan ko ang nabunot dahil nababalot pa nga rin ako ng kaba at baka di ako makapag-salita ng aayos sa unahan.
  Hanggang sa sumapit na nga ang uwian. Matapos ang sandaling pag-eensayo dahil ito na nga rin ang huling araw ng paghahanda para sa kampanya bukas. Sunod naman naming pinaghandaan ang nasabing screening. Di ko inaasahang makakasagot ako ng maganda at direkta sa itinanong sa amin ni Kuya Badjon(VicePres) at ni Ate Claudette(Pres) ng SSG. Napakasaya ko matapos ang nasabing screening ..

Pebrero 05, 2014
Miyerkules


"Selfie Campaign 101"

  Unang araw ng aming kampanya. Ngunit bago iyon ay ipinagpatuloy ko muna ang aking di natapos na pag-uulat kahapon sa Agham. At matapos nga iyon ay lumabas na kam ng aming silid aralan para makapag-handa at makapag-ensayo na rin sa huling pagkakataon. At bahagi ng paghahandang iyon ang sabay-sabay naming pananalangin.
  Naging napaka-makabuluhan ng araw na ito dahil tagumpay naming naisakatuparan ang unang araw ng aming pangangampanya. Kahit pa nga ba natamaan ako ng ibinatong mais ng isang batang makulit. Pero sa kabila niyon, hindi ko nalang ito masyadong inalintana at ipinag-patuloy ang napaka-sayang araw na iyon. Lubos akong nagpapasalamat at naging maganda at mainit ang pagtanggap sa amin ng mga estudyante lalo na ng mgfa grade 7 at sinigurado pa nilang kami ang kanilang iboboto. Salamat mga kamag-aral :)

Pebrero 06, 2014
Huwebes


"Selfie Campaign 102"

  Nagayon ang ikalawa at huling araw ng aming kampanya, Ngayon ay ila humupa na ang aming kaba sa halip inenjoy na lamang ang huling mga pangangampanya. Lubos kaming nagagalak at naging matagumpay ang aming pangangampanya. Sa pamamagitan din niyon ay lalo pang napagtibay ang aming samahan. Lalo na dahil maraming kaming kapwa lamag-aral na nakilala at naging kalapit. Isa ito sa mga masasayang pangyayari sa aking buhay na hindi ko kailanman makakalimutan. Maraming salamat sa Poong Maykapal.

Miyerkules, Marso 12, 2014

Talaarawan (Ikalabin-limang linggo)

Enero 24, 2014
Biyernes

"Magpaliwanag"

  Ngayong araw ay nagbalik aral lamang kami sa akdang huli naming tinalakay. Ginawa namin iyon sa paraan kung saan nagpasa-pasahan kaming magkaka-klase at pagdudugtong-dugtongin namin ang mga pangyayari sa akdang Ang Kalupi. Matapos nito ay binigyang paliwanag din namin ang tatlong ibinigay na pahayag at iniugnay ito sa akda.
  Sa aming asignaturang TLE naman ay nagalit sa amin si Bb.Hannah at umabot iyon sa kanyang pagwo-walk-out. Hayy .. Sobra kasi ang ingay, tila ba may kung anong ipinaliliwanag ang ilan sa bawat isa. Kaya ayon, nairita si Ma'am dahil kairita-irita naman talaga >.<
  Anyway, Nahuli nanaman akong umuwi dahil sa kung anong kadahilanan. Kaya ayon din si Mama, galit na galit sabi pa nga, "Sige ! Ipaliwanag mo kung bakit lateka nanaman umuwi ha Iha ?" Arrgghh ,, puro nalang paliwanag xD 
  Pero ang maganda naman ngayong araw na toh, kinumpirma sa aking ng aking adviser na kasama pa rin ako sa top at kailangan naming dumalo ng aking ina sa gaganaping program bukas para sa pagtanggap ng karangalan. Thank you Lord ^^

Enero 25, 2014
Sabado


"Pagtanggap"

  Ito na ang pinakahihintay-hintay na araw nang muling pagtanggap ngkarangalan. Hayy .. Thank you Lord, napanatili po ako sa top. Natutuwa akong makita ang bakasng kaligayahan sa mukha ng aking pamilya. Muli, hindi ko nanaman sila nabigo.
  Matapos ang mahabang programa ay umuwi na ako at bilang pagtanggap ng aard as a top student, pinagkaba ako ni mama. Char ! Keme lang ! Kusa-kusa din, minsan lang naman eh. At pagkatapos din naman niyon ay nakapag-pahingana ako.
  Laking gulat ko nang dumating ang aking ama kasama ang aking tiyuhin.Wow ! Bagong na-meet na kamag-anak nanaman. Grabe laki ng angkan ng papa ko ha ! Thaha di na ata ako naubusan ng kamag-anak na bagong makikilala xD
  Ayon, Welcome Tito Mik-Mik ! Maging masaya sana ang pananatili mo sa aming tahanan at maging maganda sana ang ating pagsasama bilang isang extended family! Ano daw !? Thaha so blessed xD

Enero 26, 2014
Linggo


"LSS"

  Gaya ng nakagawia, paggising ay naghanda na ako sa pag-attend sa misa sa chapel malapit sa amin. Pag-uwi ko naman sa aming bahay, kumain lang ako sandali at inumpisan ko na ang paggawa ng report ko sa Chemistry. "Loka Sakit Sa ulo" para bagang mabibiyak ang aking ulo sa pag-intindi ng aking iuulat. Weh ? OA lang !? Thaha xD
  Pagkatapos ko gumawa ng report ay nakipag-chikahan na ako sa aking Ccambal over the phone. Grabe lakas ng tawa ko sa mga kalokohang ikinu-kwento niya. But take note ! Ang Loko Super Sweet , walang iba kundi si Jess Mercado. Ewan ko ba kung anong nakai ng mokong na yun at bigla nalang tumawag at kumanta with matching gitara over the phone. Ayy Tehh , nakaka Last Song Syndrome yung huli niyang kinanta. Yun bang Heaven by your side ng A1. Ayy kinilig ako dun ha. Pati rin pala yung Hiling at Sorry na na kanta .. Sana lagi nalang ganun para naman lagi akong matutuwa sa kanya. Keme ! :P
  Salamat Kaibigan ^^

Enero 27, 2014
Lunes


"Okey naman ^^"

  Hayy .. Ang saya naman ngayong araw na to dahil sav napakaraming dahilan. Mga 3 ata !? Keme ! :P Anyway, Nakabayad na ko para sa JS Prom. Ayiiee .. Sigurado na Tol. Sunod, Di ako nabunot na magbasa ng nagawang tula sa Filipino. Okey lang naman kasi di ko pa rin talaga tapos yung tula ko Eh. Ang swerte ko noh ? Thaha xD Ngayon ay sinimulan na rin naman naming talakayin ang pelikulang Himala. Si Gng.Mixto ang nasimula ng talakayan at sinundan na lamang namin base sa mga nahanap naming inpormasyon tunngkol dito.
  Natutuwa naman ako at naging okey naman ang aming talakayan sa TLE. Tahimik, payapa, tila ba ang lahat ay may interes sa talakayan at nagpa-participate. Sana laging ganun para naman mai-apply yung sinasabing Quality Ed. diba ?
  Samantala, hindi agad ako nakauwi dahil kumain pa muna kami nina Adam at Richmond ng burger at napasarap ang kwentuhan kasama naman ang mama in Abegail. Grabi naging okeynaman ang araw na ito. Actually, okey na okey nga eh :)


Enero 28, 2014
Martes


"Excited"

  Ngayong araw ay sinabi sa amin ni Bb.Angel (Student teacher sa Values) ang tungkol sa gagawin naming Talent Show. Sobra akong natuwa at na-excite sa kaalamang ito. Tila ba naaligaga akong ibahagi o ipakita ang aking talento sa pagsayaw. Ayy teka ! Meron ba ? Keme ! Thaha xD
  Sa Filipino naman ay aligaga rin ang karamihan sa amin na sumagot patungkol sa kabataan ni Elsa o childhood life nito. Palibhasa nabasa na ng lahat kaya naman mayroon na kaming kaalaman patungkol dito.
  Lalo pa ngang na-eager ang aking excitement ng sabihin sa akin nila Rivero na kasali daw ako sa kanilang partido para sa gaganapin na eleksyon para sa SSG. Hayy grabe yung saya ko. Sobra sobra ang excitement ng loka lokang si Ako ! Ano da ? Thaha panigurado masaya toh xD

Enero 29, 2014
Miyurkules


"Unang araw ng paghahanda"

  Ngayong araw ay tinalakay namin sa asignaturang Filipino ang patungkol sa Pagsusuring Saykolohikal. Kasama na rin ang mga uri nito. Matapos ang mahabang talakayan ay sinagutan naman namin ang mga gabay na tanong na nanggaling kay Gng.Mixto. Ngunit di na nga namin natapos ang nasabing gawain sapagkat nagkulang nakami sa oras.
  Matapos ang aming klase ay nagkita-kita nakami ng aking mga kapartidop o kagrupo upang maghanda ng aming magiging mga kanta o jingle sa darating na kampanya. Hayy .. Sobra akong nasabik sa nasabing gawain at walang kalagyan ang aking kasiyahan dahil dito. Di man kami nakagawa o nakabuo ng kanta sa loob ng 3 oras. Masaya pa rin kami dahil sa aming pagkakantahan, pagkukulitan at aming pagku-kwentuhan. Hanggang sa aming paglalakad pag-uwi ay di matapos-tapos ang aming pagku-kwento at mga kaharutan. Napaka-ingay nga namin eh, tila ba kami lang ang tao sa daigdig. Napaka-sayang araw xD

Enero 30, 2014
Huwebes


"Walang humpay na usapan :D"

  Ipinagpatuloy namin ang nabiting gawain namin kahapon sa asignaturang Filipino. Itinama namin ang aming mga naging kasagutan sa ibinigay na gabay na tanong at m,uling binalikan ang aming tinalakay kahapon. Ikinonekta din namin ang pagsusuring ito kaugnay pa rin sa akdang Himala.
  Tulad kahapon ay nagkaroon mulikami ng paghahanda para pa rin sa gaganaping kampanya. Ngayon ay nakabuop na kami ng dalawang awitin at nai-set up na rin ang aming mga gagawing hakbang upang maisakatuparan ang kampanyang ito.
  Kinahapunan matapos kon magpahinga ay kinausap ako ng aking ina patungkol sa nais kong kurso. Sa pag-uusap na ito ay sinabi niya sa akin na ano man ang mangyari at aking naising kurso, pipilitin nila ni papa na matustusan ang pag-aaral namin ng aking kuya. Pakiramdam ko ba'y nakikinikinita ko na ang aking tagumpay dahil sa mga salitang kanyang binitawan.
  Samantala, napag-kasunduan namin ng aking pinsan na dun ako matutulog sa kanila at magku-kwentuhan hanggang sa kung kailan kami dapuan ng antok. Walang humpay na pag-uusap ang naganap at napaka-rami kong bagay na natuklasan. Mula sa kanyang kalokohan hanggang sa lagay ng kanyang puso. Hanggang sa di namin namalayan na tinakasan na pala kami ng ulirat at nahimbing na. 
  

Rebyu (Pampelikuka at Basa) ^^

(Suring Pampelikula)
Bakit di ka crush ng crush mo? 
Direktor: Joyce Bernal

  "Do not assume for anything", ang linyang binitawan ni Alex Prieto na siyang tumatak ng husto sa aking isipan. Ito ay dayalogo mula sa pelikulang "Bakit di ka crush ng crush mo?" sa direksyon ni Bb.Joyce Bernal.
  Ang pelikulang ito ay pinangungunahan ng nagsasalaysay at siya ring gumanap bilang Taxi driyber na si Ramon Bautista. Binigyang buhay naman ito ng pinakabagong love team ngayong 2013 na sina Kim Chiu bilang Sandy Veloso ang babaeng sawi sa pag-ibig at Xian Lim bilang Alex Prieto ang CEO ng Recording Company kung saan nagtatrabaho si Sandy. Kasama rin sina Kean Cipriano bilang Edgardo Salazar, ang dating kasintahan ni Sandy, si Freddie Webb bilang Don Antonio ang llo ni Alex at si EJ Jallorina naman ang gumanap na Max Veloso, ang kapatid ni Sandy.
  Ang pelikulang ito ay pumapaksa sa isang babae na si Sandy na napagbago ng sawing pag-ibig. Inayos ang sarili, nagpaganda, nagpakatatag at natutong lumaban dahil sa pang-iiwan sa kanya ng kanyang kasintahang si Edgardo. Ngunit muli lamang nasaktan dahil sa muling pagkasawi sa pag-ibig dahil naman kay Alex.
  Nag-iiwan ang pelikulang ito ng di lang ng aral kundi bilang inspirasyon na rin. Ipinapakita ng pelikulang ito na hindi natin dapat lubos na damdamin ang ating mga kasawian at lalong hindi natin dapat sirain ang sarili dahil lamang dito. Sa halip, magsilbi itong leksyon at maging dahilan upang lalo pang magpakabuti at paunlarin ang sarili. Maganda ring panuorin ito ng mga kabataang tulad ko lalong higit ng mga taong nagmamahal upang matuto tayo ng leksyon mula dito.



(Suring basa)

  Isang kwentong nag-iiwang ng mensaheng "Hindi dahilan ang kahirapan saupang gumawa ng kamalian". Isang kwentong nagpapakita ng tunaya kalagayan ng isang pamilyang hirap sa buhay. Isang amang nawalan ng trabaho at piniling bumalik sa pagnanakaw a sumama sa kaibigan nitong si Pablo. Si Gloria ang ilaw ng tahanan at si Mario naman bilang haligi ng tahanan na hindi kayang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya. Lalo na ang kahilingan ng anak na si Cita na mabilan ng kahit isang pulang mansanas.
  Ito ay isang maikling kwento na nagmumulat sa mga tao sa realidad ng buhay, epekto ng kapaligiran at paghihirap ng isang ama.
  Sa kabila nito, dapat maisip at isaalang-alang pa rin natin ang tama kaysa mali. Ilan sa mga aral nito ang hindi dapat tayo magpatangay sa hirap ng buhay at maging matatag sa di paggawa ng mali. Sa halip, lalo pa tayong magpursige na paunlarin ang ating buhay sa wasto at mahusay na paraan.
  Isa itong napaka-gandang istorya na dapat lamang ibahagi sa iba, di lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga kabataan. Para maaga pa lang, malan na nila kung ano ang tama at mali sa gitna ng mga mahihirap at komplikadong sitwasyon.





Suring Pampelikula at Suring-basa ni Kathleen A. Sarsagat ^^

Martes, Marso 11, 2014

Talaarawan (Ikalabing-apat na linggo)




Enero 17, 2014

Biyernes


"Kuya Ko"

  Hayytss .. Wala si Gng.Mixto kaya si G.Ferrer ang nagbantay samin ngayong araw. Pinagawa niya kami ng tula para sa isang taong malapit sa amin. Napili ko namang pag-alayan ng tula ang aking kuya. Ewan ko ba, bigla ko kasi siyang naalala. Na-miss ko yung masasayang pagsasama namin. Kahit pa nga ba nakatira lang kami sa iisang bubong, may distansya nang tila ba pader na hindi na magiba sa dahil sa mga pagbabagong naganap sa aming pamilya. Hayy .. Nami-miss ko na si kuya ko ;(
  Bago rin ako umuwi ay nag-ensayo muna kami para sa aming gagawing presentasyon sa martes sa asignaturang MAPEH. Matapos iyon ay umuwi na kami ni kuya sa Cavite. Dahil dun lalo kong na-miss ang aking kuya dahil makikita kung paano niya ako proteksyonan sa kapahamakang maaari naming masagupa dahil sa dami ng tao sa aming paligid. Sa siksikan, sa banggaan at sa mga sasakyan sa gitna ng masa ng tao. Hayy .. Nakakaloka yun ha. Pero basta, salamat sa pag-protekta ng aking kuya. Sa huli kaht pa masyado na kaming ginabi, maayos naman kaming nakarating sa aming patutunguhan. Salamat sa Panginoon :)

Enero 18, 2014
Sabado


"Good time xD"

  Napakasaya ng araw ko ngayon. Pano'y muli ko nanamang nakasama ang aking Ccambal sa mga gawain namin ngayong araw na ito. Una na nga rito ay sa paggaa ng leche plan. Grabe ang pagkasabik ko sa gawaing ito. Tumulong din kami sa paggawa ng mga puto, ube at iba pang kakanin para sa pysta bukas. Naging masaya din kami sa pakikipag-laro sa dalawa kong pamangkin at nagkantahan pa nga kami ng pagkalakas-lakas dahil sa kasyahan. Hayy .. Ramdam na ramdam na nga ang pyesta ..
  Lalo pang nadagdagan ang aking kasiyahan ng oras na nang chikahan namaing mag-Ccambal. Grabe yung mga pagbabahagian namin ng kwento,walang katapusan.Puros kalokohan. Kaya ayon nagising tuloy namin ang aming pinsan sa lakas ng aming mga tawanan. Buti nga hindi nagalit Eh xD Hanggang sa umabot na ang alas-3 ng madaling kung saan ipinasya na naming matulog, tinamaan na ng aotok eh, maaga pa rin gigisng mamayapara sa pyesta. So excited xD


              


Enero 19, 2014
Linggo


"Crush"

  Ayy.. Kay ganda nga naman ng umaga pag si Crush ang iyong kasama ..
Char ! Kahit nakita lang ? xD Anyway, Happy Fiesta mga kapwa ko Caviteno. Actually, Viva Santo Nino lang pala :) Hayy napakasaya naman ng araw na ito. Buong araw kong nasilayan ang pagkagwapo-gwapong mukha ng aking crush. Isa pa, ang daming pagklain ha, kasi nga po pyesta. So ayon, busolve much :) Pero ang malngkot dito, kinakailangan na namin ni Kuya umuwi kaya tapos na ang masasayang araw ko kapiling si crush. Ano daw ? Thaha xD Ba-bye crush ;(
  Anyway, ingat nalang samin ni kuya .. Nawa'y makauw kami ng ligtas bitbit ang mapakaraming pagkain. Thaha naghakot ng handa ? Keme lang xD
Viva Santo Nino !!

Enero 20, 2014
Lunes

"Secret"

  Ngayon ay tinalakay namin ang tungkol sa Tulang Pandamdamin na may kaugnay pa rin sa tulang tinalakay namin nitong mga nakaraang araw. Ibinigay din namin ang mga akdang tinalakay namin mula sa unang markahan na kakikitaan ng nasabing tulang pandamdamin. Halimbawa na nga lamang ay ang Luha at Sa tabi ng dagat.
  Matapos ang aming klase ay myuli kaming nagkaroon ng ensayo bilang paghahanda sa aming gagawing presentasyon sa MAPEH. Nang bigla na lamang akong tawagin ni G.Inahid at kausapin patungkol sa isang sekretong magaganap sa nalalapit naming JS Prom. Sobra ang tuwa ko ng sabihin niyang isa ako sa kanyang mga napili sa nasabing aming magiging partisipasyon. Lalo itong nagdulat upang ako ay lalong ma-excite, lalo na't di naman sinabi ng ginoo ang lahat ng mga impormasyon patungkol sa aming kasunduan. Maging maganda sana ang kalabasan nito ^.^

Enero 21, 2014
Martes


"Mapanghusga ? Uwi ! :P "

  "Huwag husgahan ang aklat sa kanyang pabalat". Ang kasabihang iniwan sa amin ng aming guro sa Filipino bilang panimula sa aming magiging bagong tatalakayin.
  Ngayong araw nga namin sinumulang talakayin ang aming bagong aralin. Ito ay ang akdang "Ang Kalupi". Ang mga karakter sa naabing akda ay binigyang buhay ng ilan sa aking mga kamag-aral. Ilan na nga rito ay si Shaira Techon bilang Aling Marta at si Jerome Onanad naman bilang Adong. Naging masaya ang buong durasyon ng nasabing gawain, paano'mababanaag ang di seryosong pagganap ng mga ito. Ngunit maaari din namang dahiliyon sa tudyo ng aking mga kamag-aral. Katuwa-tuwa naman talaga kasi silang umarte, talagang mapapatawa lalo na kay Jerome.
  Bago naman ito ay nag-present na kami sa MAPEH. Lumabas pa nga kami sa covered court upang magkaroon kami ng maluwag na espasyo. At nakakatuwa namang nagawa at natapos namin ang nasabing presentasyon ng maganda. Kaya nakamit ng aming grupo ang ikalawang may pinaka-mataas na marka. Salamat sa Panginoon. Sa susunod sana ulit :)
  Salamat din at pagkatapos ng klase ay diretso uwi na ako at nakapag-pahinga na. Hayahay xD

Enero 22, 2014
Miyerkules


"Araw ng pag-uulat"

  Ngayong araw ay di lamang ako isang beses nag-ulat, kundi 2 beses. Ang una ay iyong sa Filipino kung saan aming iniulat ang patungkol sa mga di pamilyar na salitang matatagpuan sa akdang Ang Kalupi. Medyo nalito pa nga kami sa ibang mga salita dahil halos magkaka-lapit lamang ang kanilang mga kahulugan. Ang sumunod ko namang oag-uulat ay sa asignaturang TLE kung saan iniulat namin ang patungkol sa isa pang uri ng OS (OperatingSystem) na UNIX. Dito ay medyo nahirapan akong mag-ulat, pano ba naman hindi napag-aralan ng aking mga ka-grupo ang aming iuulat. Kaya ayon, ako lang halos ang nag-ulat, pero salamat pa din at hindi nila ako iniwan at tinulungan din naman kahit papano. Masaya rin ako at natuto naman daw ang aming mga kamag-aral sapagkatkahit ano pa man ang nangyari, maayos naging maayos naman ang aming pag-uulat.
  Matapos ang klase ay lumabas lang kami ni Joona sandali sa aming paaralan upang kumain kasama si Quimpo. Pagkatapos niyon ay muli na kaming bumaliksapagkat ngayong araw din ang aming orientationpatungkol sa magiging iskolar ni Gov. Pagbubutiohan ko pa talaga next school year para naman makapasok ako sa nasabing scholarship. Sayang din kasi yun, lubos na makakatulong iyon sa aking pag-aaral at sa aking mga magulang. Nawa Lord ! Nawa po pagbigyan at tulungan po ninyo ako :)

Enero 23,2014
Huwebes


"Ang Pagpapatuloy"

  Sa ibang asignatura gaya na lamang ng Agham, ipinagpatuloy namin ang aming talakayan pati na rin sa Ingles. Ngunit sa Matematika ay nagkaroon kaming pagsusulit at nakakatuwang naitama ko ito lahat. Nawa lagi nalang ganun ang maging result ng mga pagsusulit ko xD Ganun din naman sa Araling Panlipunan kung saan nagbigay ng biglaang pagsusulit si Gng.Cabrera, buti nakapasa :)
  Sa asinaturang Filipino naman, ipinagpatuloy namin ang aming pagtalakay sa akdang Ang Kalupi. Tinalakay din namin ang tungkol sa Ibat-ibang interpretasyon sa mga naririnig o nababasa. Kasama na rin ang Mga Elemento ng Akda. Dito ay aming pinagtuunan ng pansin ang banghay ng akdang Ang Kalupi. Mula dito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain kung saan tumatalakay sa banghay ng nasabing akda.
  Tulad kahapon ay ipinagpatuloy ng aming grupo ang pag-uulat patungkol sa UNIX sa TLE. Hayy sa wakas .. Natapos din ! Tapos pag-uwi sa bahay, ilang gawain lang, tulog na ulit. Thank you Lord ^.^

Talaarawan (Ika-labintatlong linggo)

Enero 10, 2014
Biyernes

"Kabado!"

  Ngayon ang ikalawang araw ng aming ikatlong markahang pagsusulit. Ayon sa sobrang kaba , mali mali pa yung nadala kong kwaderno na magsisilbing rebyuwer ko. Kaya ayon, nanghiram na lang ako ng rebyuwer ng iba kong kamag-aral. Buti nalang meron sila :)
  At nung pauwi naman ako kasama sina Quimpo at Melo. Ewan ko ba, bigla nalang akong naaligaga. Kaya ayon, muntik ko nan mabitawan yung regalong t-shirt sakin ni Jess at nasuntok-suntok ko a si Adam. Ka-praningan ko diba? Aba ewan ko ba.. Arrghh ... Nakakabaliw ^.-


Enero 11, 2014
Sabado

"Kaloka"

  Hi Laba Day ! Este, saturday :P
Ayon, laba laba din pag may time. Pero tulad ng dati multi-tasking ang aking gagawin. Naatasan po kasi ako ni G.Talotos na mag-tsek ng papel ng 7-Camia. Kaya naman heto ako ngayon, nakikipag-digma sa pagkarami-raming papel. Char! Keri naman eh, kaya okss lang  :)
  Ang hindi nga lang okey, ay ang pagiging baby sitter ko din ngayong araw na toh. Hayytss .. Ewan ko ba, kahit anong pilit ko. Pag-aalaga talaga ng bata ang pinaka-ayaw kong gawin. Hayttss tamad ko ba? Thaha bawi nalang next time. Ayyts di ko natapos ang pagtsi-tsek ngayon, bukas nalang ulit. Pasensya na po :)

Enero 12, 2014
Linggo


"Eto nanaman"

  Ngayon ay araw ng pagsisimba, kaya simba simba rin diba ? :)
Pagkauwi ko galing simbahan ay ipinag-patuloy k na ang di ko natapos na gawain kahapon.Buti naman natapos ko na. Pagkatapos nito ay isinampay ko naman ang mga damit na nilabhan ko kahapon. Ayon, natural ako pa rin ang nagtupi kinahapunan. Pero ang masaklap, nag-alaga nanaman ako ng pasaway kong mga kapatid. Ayytss nakakainis talaga yung kakulitan nila >.<
  Ngayon araw din pala kami nag-general cleaning ni mama/ Medyo pagod, pero okey lang. Matapos naman iyon ay binisog niya ko ng pagmamahal, keme, pagkain pala, kaya bawi na . Sa susunod ulit :D

Enero 13, 2014
Lunes


"Kasawian"

  "Ang bawat kasiyahan aymay katumbas na kasawian"
Ang walong kakupas-kupas kong kasabihan na ni minsa'y di ako nagkamali. Matapos kasi ang isang masayang paggising at pag-aalmusal kasama ang aking kapatid at ina. Hanggang sa pagpasok ko sa aming paarala ay hindi nawala ang ngiti sa akng mga labi.
  Ngunit tila, sinabuyan ako ng napaka-lanmig ng tubig ng matanggap ko ang resulta ng aking mga pagsusulit sa bawat asignatura. Pano, pulos bagsak ang mga naging resulta ng mga ito. Lalo na sa asignaturang Ingles. Ano nalang ang sasabihin ni Gng.Bering? Napaka-lakinng kasawian naman niyon.
  Salamat na nga lang sa aking mga kamag-aral lalong higit kay Romulo R. Tatac na siyang nagpalubag ng aking loob. Pinilit niya kasing pagaanin ang aking kalooban upang hindi ko lubos na damdamin ang mga naging resulta ng aking pagsusulit. Salamat at pinilit nila akong paligayan sa kanyang simpleng paraan. Salamat loves (Romulo R. Tatac), ang nakaka-umay naming endearment :P
  Habang sa asignaturang Filipino naman ay inumpisahan na namin ang aming mga aralin at nag-iwan pa nga si Gng.Mixto ng takdang aralin. Kung saan ipagpapatuloy namin ang pagsusuri sa akdang "Ang Pamana".


Enero 14, 2014
Martes


"Medyo bumawe"

  Hayy tila ba bumabawi ang kapalaran. Ano daw ? Thaha :D Ayon natuwa naman ako sa resulta ng iba ko pang pagsusulit na ngayon lamang ibinalik. Take note ! Pasado ang mga resulta ngayon .. Hayy nakakatuwa ng super :D
  Ayon balik nanaman sa lecture ang bawat asignatura. Kasama na ang Filipno kung saan amin nang sinimulang talakayin ang akdang "Ang Pamana" na mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus. At kung saan maghahanap kami ng kanta para sa aming ina na may kaugnay pa rin sa aming akdang tatalakayin na magsisilbi naman bilang aming takdang aralin para sa araw na ito.
  Matapos ang aming klase ay inasikaso naman naming magkaka-grupo ang aming proyekto sa Agham. Kung saan muli naming bibigyang kulay o pagagandahin ang likod ng black board sa covered court. Pagkauwi ay muli akong naglaba, bawas labahin kung baga :) Kaya ayon, bulagta sa sobrang kapaguran si Kaka :) Tulog na tapos kinaganihan ay nag-computer naman ako para sa aking mga takdang aralin.

Enero 15, 2014
Miyerkules


"Kanta kanta din ^.^"

 Muli naming ipinag-patuloy ang pagtalakay sa akdang "Ang Paman". Pero bago yun ay nagbahagi muna ang bawat pangkat ng mga awiting aming nahanap. Naging kasiya-siya naman ang gawaing ito at ang kantang karaniwang nahanap ng iba sa amin ay ang kantang "Ugoy ng duyan". Nagbahagi rin naman si Gng.Mixto ng ilan sa kanyang mga nagng karanasan sa piling ng kanyang ina noong bata pa siya. Kasama na rin ang iba pa niyang karanasan bilang isang panganay na anak.
  Hanggang sa aking pagtulog kina tanghalian ay di ko maiwasang mapa-kanta. Wala, kung anu-anong kanta lang na pumasok sa aking utak. Di maka-get over eh :)

Enero 16, 2014
Huwebes


"Hectic sched."

  Ngayon araw ay napakarami kung dapat na gawin. Nakakalungkot nga lang at hindi ko lahat iyon nagawa.
Di bale na nga ! Sa aming asignaturang Filipino ay nagkaroon kami ng pagsasanay o gawain kung saan gumawa kami ng sulat para sa aming ina na konektado pa rin sa akdang aming tinatalakay. Matapos ang klase ay ipinag-patuloy namin ang aming nasabing proyekto sa Agham kaya alas-3 ng tanghali na ako nakauwi. At sa bahay naman ay muli akong naglaba upang maihanda ko na ang mga gamit na aking dadalhin sa pag-uwi namin ni Kuya sa Cavite bukas.. 
  Hayy.. Di naman ako excited eh noh ? :)