Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Talaarawan (Unang Linggo)


Oktubre 14, 2013
Lunes

   Sa araw na ito ay tinalakay namin ang tungkol sa paggawa ng blog kung saan itatala namin ang aming mga ginagawa sa asignaturang Filipino. Ang blog na ito ay naglalaman ng araling tinalakay , bisang pandamdamin at pangka-isipan , pagsusulit , at mga gawain . Ito ay patuloy naming gagawain hanggang sa aming pagtatapos sa ikatlong taon. May ibinigay ding takdang aralin ang aming guro kung saan dapat magkaroon kami ng kanya-kanyang kopya ng akdang Luha ni Rufino Alejandro.



Oktubre 15, 2013

Martes

  Tinalakay namin ang akdang Luha ni Rufino Alejandro.



Oktubre 16, 3013

Miyerkules

  Muli naming tinalakay ang tungkol sa akdang Luha . Dito ay binigyan namin ng pagkahulugan ang mga malalalim na pahayag na matatagpuan sa akda. At sa araw din na ito ibinigay sa amin ng aming guro ang listahan ng mga akdang tatalakayin naman sa buong markahan dahil nais niya na magkaroon kami ng sarili naming portpolyo kung saan namin titipunin ang mga nasabing akda.



Oktubre 17, 2013

Huwebes

  Aming ibinigay at tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akda Luha. At dahil dito , napag0alaman namin na ang teoryang nakapaloob dito ay ang Teoryang Humanismo . Matapos nito ay ibinahagi namin ang aming mga opinyon upang suportahan ang aming kaalaman kung bakit sa dinami-dami ng teoryang maaaring nakapaloob dito ay ang Teoryang Humanismo ang nangibabaw sa akda.



Oktubre 18, 2013

Biyernes

  Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng maikling gawain na may kaunay pa rin sa akdang Luha. Dito ay tutukuyin namin kung Bisang Pandamdamin ba o Bisang Pang-kaisipan ang mga nabanggit na pahayag. Inatasan din kami ng aming guro na gumawa ng liham para sa magulang kung saan itatala namin ang mga masasamang bagay na aming ginawa , nagsisilbi itong pag-amin.


Gawain:



  1. Bisang Pang-kaisipan /
  2. Bisang Pang-kaisipan /
  3. Bisang Pandamdamin /
  4. Bisang Pandamdamin /
  5. Bisang Pang-kaisipan /
5/5


Linggo, Nobyembre 10, 2013


Kingisnang Balon
Andres Cristobal Cruz

1. Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. 3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. 4. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. 7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. 8. "Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda. 9. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba. 10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. 12. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13. Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. 15. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. 17. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. 19. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. "Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng iba. 22. "Di ba't 'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?" 23. "Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" 24. "Aba, siyanga, ano?" 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo." 27. Minana na niya ang opisyong iyan." 28. "E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…" 29. "A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo." 30. "Labandera na noon si Nana Pisyang?" 31. "Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e." 32. "Ang Da Felisang Hilot?" 33. "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34. "Tingnan mo nga naman ang buhay." 35. "Sa Amerika ba, merong ganyan?" 36. "Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay." 37. "Mana-mana ang lahat." 38. "Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din." 39. "At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera." 40. "Pero si Nana Pisyang humihilot din." 41. "Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na." 42. "Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay." 43. "Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd." 44. "At si Narsing nila?" 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." 46. "Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin." 47. "Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!" 48. "Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro." 49. "Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano." 50. "E. ano raw?" 51. "Florante at Laura daw." 52. "Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata. May ulo pa naman." 53. "Balita ko'y ayaw mag-aguwador." 54. "Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na." 55. "Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit 'yon!" 56. "Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!" 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit. 60. Nagsasampay ang kanyang ina nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya't naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. "Hene puwede," sagot ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig." 66. "O, paano, talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. "Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang tulong sa 'yo. 68. "O sige, ano?" 69. "Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?" 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama't ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba't ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. "Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib." 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. "Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging aguwador!" 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!" 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin." 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong pasanpasan ang pingga't dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang. 94. Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. "Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.





Banyaga 
Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. 

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok 

Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong. 
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?" 

Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana." 
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya. 
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale. 

Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. 

"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..." 
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib. 

"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang. 
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan. 
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?" 

"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..." 
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi. 
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila." 
"Ano? K-kahit gabi?" 

Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..." 
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina. 

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya. 

"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..." 
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?" 
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong. 
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang. 

"Ako nga si Duardo!" 
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. 
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?" 

"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..." 
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos. 
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..." 


"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako." 

"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..." 

"Menang?" napaangat ang likod ni Fely. 

"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...' 

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. 

"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..." 

"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..." 

"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..." 

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin. 

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Sinag sa Karimlan

 Dionisio S. Salazar

(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………..)
Doming …………….. ) Mga kapwa bilanggo
Bok ………………. )
Padre Abena …………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS : Umaga
PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan…
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibidamo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas angimong tiyan, ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbo ng … Naisipkong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himignagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng akingkapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal ditto, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan Ang binigkas mong tula’y –
Tony Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming Hanong pamagat?
Ernan Sinag Sa Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon! …
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung…
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’tmatalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!
Tony “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan Si Balagtas, iho, ang “Sisme ng Panginay”
Doming Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang… (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadongnapakaganda.
Bok A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Nang pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gatimpala. May –
Ernan ‘ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na .
Tony Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase?
P. Abena Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi.
Tony Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony Padre, ke bui-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw silang anak.
Ernan (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony Padre, possible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naamn ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong Tatay!
P. Abena Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?
Tony Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon. (Susundan ito ng alis .)
Lahat Adyos, Padre.
Tony ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali…
Ernan Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng panananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya makakapiling sa lahat ng oros, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may karamdaman)
Bok (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa.
Tony Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok Galalim man ang imonmg Tagalog!
Ernan Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ngbahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman)
Ernan P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.)
Tanod (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod Miron kang bisita, adding.
Tony Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay n’yo sir?
Tanod Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming Kuwarentay singko.
Tony Papuna na ba rito, sir?
Tanod Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon.
Ernan Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming Baka naman hisang kamaghanak.
Bok (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!
Ernan Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rinang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpapautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako at - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay …
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan kong isip. Nagyo’y –
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitangpinaghahanap? … At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ngparole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’Y –
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung dokdok! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo…
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)